Walang akreditasyon sa DOT GUBAT SA CIUDAD OPERATION, ILEGAL

POSIBLENG ilegal ang operasyon ng Gubat sa Ciudad Resort sa Lungsod ng Caloocan makaraang isiwalat sa media ng Department of Tourism (DOT) na walang akreditasyon sa kagawaran ang naturang business establishment.

“Upon verification, the resort was found to be operating without DOT accreditation,” ayon sa DOT sa press statement nito.

Ipinaliwanag ng kagawarang pinamumunuan ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mahalaga ang akreditasyon ng tourist-related business establishment sa DOT dahil ito ay “assurance that a tourism enterprise has complied with the minimum standards for the operation of tourism facilities and services”.

Nabisto ang pagbalewala ng Gubat sa Ciudad Resort sa health protocols makaraang madiskubreng nagkaroon ito ng 300 kustomer sa loob ng isang araw kamakailan, aktibidad na may “mass gathering”.

Ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mass gathering upang mapigilan ang hawaan ng mamamayan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil sa utos na ito ni Duterte, nagbabala si Interior Secretary Eduardo Año na kakasuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang sinumang pinuno ng mga pamahalaang lokal na magpapabaya sa tungkulin at obligasyon nito hinggil sa pagtitiyak na walang mangyayaring anumang porma ng mass gathering sa kani-kanilang nasasakupan.

Matapos ang illegal mass gathering sa Gubat sa Ciudad Resort, ipinasara ito ni Mayor Oscar Malapitan.

Ipinatanggal din sa puwesto ang hepe ng pulisyang nakasasakop dito.

Ipinahuli at pinakakasuhan na ni Año ang punong barangay ng Barangay 171 dahil sa insidente.

Ngunit hindi ipinadakip at pinakasuhan ni Año si Malapitan na siyang pinuno ng pamahalaang lokal ng Caloocan. (NELSON S. BADILLA)

143

Related posts

Leave a Comment