WALANG DELTA VARIANT SA CHINA? IMPOSIBLE!

HINDI maarok ng aking isip na walang Delta Variant sa China kung saan nagmula ang coronavirus disease – 2019 o COVID – 19.

Ano sila, tanging bansa at lahi na pinagpala sa buong mundo?

Nagsimula ang Delta Variant sa India na katabi lang ng China.

Kumalat na rin ang Delta Variant sa iba’t ibang panig ng mundo at ito ang variant na kinatatakutan ng lahat dahil wala raw itong sintomas at mas delikado kaysa sa unang virus na unang kumalat sa Wuhan, China.

Sa ating bansa, marami na ang nagkaroon ng Delta Variant, kaya muling naghigpit ang gobyerno para huwag itong kumalat dahil kung hindi ay babagsak na talaga ang health system natin.

Pero, ang ipinagtataka ko, bakit walang report na may Delta Variant sa China?

Imposible ‘yun dahil 1.4 bilyon ang kanilang ­populasyon at sila ang pangalawa sa buong mundo na exporter ng mga tao para magtrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tiyak na marami silang migrant workers na umuuwi sa kanilang bansa na posibleng nakapag-uwi ng Delta Variant at nasa tabi lang nila ang India, kaya papaanong ligtas sila sa virus na ito?

Hindi kaya kinokontrol ng China ang impormasyon sa Delta Variant tulad ng pagkontrol nila sa COVID – 19?

Maaari, dahil kontrolado ng China ang kanilang media.

Bawal batikusin ng kanilang gobyerno, bawal magsulat ng impormasyon na makasisira sa kanilang bansa, galawang komunista kung baga.

Ang puwede lang gawin ng mga Chinese ay batikusin ang ibang bansa at kanilang mga lider na hindi nila ­kayang kontrolin at paluhurin at pumupuna sa kanila ng mga palsong polisiya.

Kaya, madalas tayong nakababasa ng mga report mula sa Beijing-controlled media na binabatikos ang mga lider ng ibang bansa at kahit ang paggamit ng mga international media ng larawan ng kanilang mamamayan ay tinitira nila.

Maaaring hindi talaga nagsasabi ng totoo ang China sa tunay na kalagayan ng kanilang bansa sa COVID-19, kasama na ang Delta Variant na itinatago nila ang impormasyon sa mundo tulad ng pagtatago nila sa insidente sa Wuhan China noong 2019.

Ang masamang epekto nito, maaaring ang China ulit mismo ang magkalat ng mas nakamamatay na Delta Variant sa mundo dahil hindi sila kasama sa mga bansa na may travel ban.

Tanging ang mga bansa na may mga kaso ng Delta Variant ang pinatawan ng travel ban at dahil hindi inerereport ng China ang katotohanan, hindi sila kasama sa travel ban.

Ang daming Chinese na bumibiyahe sa iba’t ibang bansa araw-araw, kasama na ang Pilipinas, kaya anong kasiguraduhan na walang dalang nakamamatay na virus ang mga ‘yan, eh hindi nila sinasabi ang totoong kalagayan ng kanilang bansa sa virus na ito.

Hindi ba Chinese mula sa Wuhan ang unang naitalang kaso ng COVID – 19 sa Pilipinas?

Baka ganyan din ang mangyayari dahil ipinapalabas ng China na walang Delta Variant sa kanilang bansa.

Pansin n’yo ba na parang walang epekto sa China ang COVID – 19?

Sila lang ang bansa na hindi masyadong apektado ang ekonomiya at inaasar pa nila ang ibang bansa dahil hindi raw nila alam kung paaano tugunan ang problema sa virus.

Nakadududa!

138

Related posts

Leave a Comment