SINIGURO ng Pinoy Party-list na walang mamamayang maiiwan sa mga isusulong nitong programa, partikular ang mga miyembro ng indigenous communities.
Ipinangako ng Pinoy Party-list ang pagbibigay ng mas maayos na access sa edukasyon, job opportunities, at healthcare.
Ayon sa nasabing party-list group, hindi lang nito basta layuning makakuha ng pwesto sa Kongreso kundi nais nitong magsilbing boses para sa marginalized groups at upang maiangat ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Ilan lamang sa mga programang pagtutuunan ng Pinoy Party-list ay ang mga may kaugnayan sa edukasyon, livelihood, at kalusugan ng mamamayan. Layon ng Pinoy Party-list na masigurong lahat ng mga bata ay may access sa maayos na edukasyon sa pamamagitan ng pagsusulong ng scholarship programs at pagpapatayo ng mas maraming paaralan lalo na sa malalayong lugar.
At dahil ang pagkakaroon ng hanapbuhay ang susi para malabanan ang kahirapan, isusulong din ng Pinoy Party-list ang mas maraming livelihood programs, skill training, at suporta sa maliliit na negosyante.
Tiniyak ng Pinoy Party-list na walang maiiwang Pinoy lalo na ang mahihirap pagdating sa serbisyong medikal.
“It will promote free check-ups, more affordable medicines, treatments, and more health centers to ensure everyone has access to quality care,” ayon pa sa Pinoy Party-list.
