31 PULIS SIBAK SA ILEGAL NA PAGSISILBI NG WARRANT OF ARREST SA NEGOSYANTENG CHINESE

SINIBAK ni National Capital Region Police Office (NCRPO), Chief Police Major General Anthony Aberin, ang buong pwersa ng District Special Operation Unit ng Eastern Police District dahil sa umano’y pagtangay sa halos P85 milyon halaga ng alahas at pera sa isang negosyanteng Chinese National sa Las Piñas City.

Kabilang sa nasibak ang dalawang opisyal ng EPD-DSOU na ngayon ay isinasailalim sa imbestigasyon.

Inaalam na ni Aberin kung mayroon pang ibang kasama ang walong pulis na sangkot sa paghain ng ‘illegal’ arrest warrant.

Samantala, tinanggalan na ng service firearms at kinumpiska ang ID at police badge at nasa restrictive custody na ng EPD ang walong pulis na direktang may partisipasyon sa pagpasok at pagsisilbi ng maling warrant of arrest.

Inihahanda na ang patong-patong na kasong kriminal at administratibo laban sa mga sangkot na pulis na karamihan ay patrolman at pinakamataas na ranggo ay Police Staff Sgt.

Isa sa tinitingnan ni Aberin ay kung may mga dati nang kaso ang mga sangkot na pulis.

(TOTO NABAJA)

72

Related posts

Leave a Comment