WANTED ‘ESTAPADOR’ SA PANGASINAN, TIKLO SA MAYNILA

BINITBIT ng mga operatiba ng Tracker Team ng Manila Police District – Pandacan Police Station 10, ang isang 45-anyos na ginang dahil sa kasong estafa sa Pangasinan, at natunton noong Miyerkoles ng gabi sa Barangay 866, Zone 95, Sta. Ana, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, station commander, ang suspek na si Mercy Garcia, negosyante, tubong Nueva Vizcaya at nanunuluyan sa Bago Bantay, Quezon City.

Ayon sa report na isinumite nina Police Captain Vianny Otiz at Police Captain Ramel Lucero, bandang alas-8:40 ng umaga, nakaposte na ang grupo sa maaaring daanan ng ginang.

Nang mamataan ang suspek, sinalubong ito ng isa sa mga operatiba at isinilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Hermogenes Fernandez, ng Regional Trial Court Branch 56 ng San Carlos City, Pangasinan, na may petsang Pebrero 16, 2009.

Inatasan ng korte ang suspek na maglagak ng halagang P30,000 bilang pyansa para sa pansamantala nitong paglaya.

(RENE CRISOSTOMO)

152

Related posts

Leave a Comment