ILANG FLIGHTS SA DIPOLOG CITY, ZAMBOANGA KANSELADO

flights12

KANSELADO ang ilang flights sa Dipolog City, Zamboanga del Norte dahil sa ‘on going repair’ ng ilang bahagi ng runway, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Kaugnay nito, naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) C0669/23, ang CAAP, mula Hulyo 18, (11:45PM) hanggang (07:5AM) ng Oktubre 19, 2023.

Sa Kabila ng idineklarang closure, operational naman ang naturang airport, at pinapayagan ang ibang flights, katulad ng Philippine Airlines (PAL) PR 2557, at PR 2558 Dipolog-Manila ang vice versa.

Kinondena naman ng apektadong airline company ang desisyon ng CAAP, bunsod sa anila’y hindi makatarungang polisiya sapagkat, batay sa isinagawang inspeksyon, ang Dipolog Airports runway ay maaari naman umanong gamitin at ang ‘areas concern’ ay nasa gilid lamang ng runway pavement na hindi makakaapekto sa pag-take-off at paglapag ng mga eroplano.

Samantala, pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang respective airlines para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang mga flight schedule.

(FROILAN MORALLOS)

161

Related posts

Leave a Comment