WANTED SA RAPE SA CAVITE, NASILO SA NORTHERN SAMAR

DUMAYO pa sa Northern Samar ang mga operatiba ng Cavite Police upang arestuhin ang isang rape suspect at tinaguriang most wanted person, regional level, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Jaylord Balein y Rabato, 30, ng Sitio Barayong, Brgy. Poblacion Norte, San Isidro, Northern Samar.

Ayon sa ulat, nakipag-koordinasyon ang Tagaytay City Police sa pamumuno ni P/Lt. Col. Charles Daven M. Capagcuan, chief of police, sa San Isidro Municipal Police Station, at PIU-Northern Samar Police Provincial Office, matapos nakakuha ng impormasyon na si Balein, na may kasong two counts ng rape at tinaguriang most wanted person, regional level, ay nagtatago sa Brgy. Poblacion Norte, San Isidro, Northern Samar.

Armado ng warrant of arrest na inisyu ng Fourth Judicial Region ng Tagaytay City, nagtungo ang Tagaytay Police sa Northern Samar kung saan inaresto ang suspek dakong alas-5:40 ng hapon sa kanyang bahay sa Sitio Barayong, Brgy. Poblacion Norte, San Isidro, Northern Samar.

Walang inirekomendang piyansa para sa suspek na kasalukuyang nakakulong sa Tagaytay City Police Station para sa documentation at disposisyon.

(SIGFRED ADSUARA)

164

Related posts

Leave a Comment