‘Warrant Day’ ikinasa ng puwersa ni P/Col. Silvio 25 WANTED PERSONS TIMBOG SA LAGUNA PNP

INIULAT ni Laguna Police Provincial Office, Officer-In-Charge, Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, kay CALABARZON Regional Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkakaaresto sa 25 na akusado sa loob na isang araw na “Warrant Day” ng Laguna PNP noong Oktubre 6, 2022.

Ang Warrant Day ng Laguna PNP ay matagumpay na naipatutupad sa pamamagitan ng nakalap na mga impormasyon mula sa aktibong suporta ng ating komunidad at Barangay Intelligence Network (BINs) sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Sa kabuuan, nagsagawa ng 25 operasyon ng warrant of arrest ang buong pwersa ng Laguna PNP, na nagresulta sa pagkakahuli ng isang regional level most wanted person, at 24 pang ibang mga akusado. Ang siyam dito ay most wanted persons habang ang 16 naman ay other wanted persons.

Kinilala ni Police Colonel Silvio ang isa sa mga nahuli na regional level most wanted person na si Jayson Doliente, residente ng Santa Maria, Laguna.

Arestado ang akusado na si Jayson sa ikinasang joint manhunt operation ng Santa Maria MPS at 402nd MC RMFB4A dakong alas-7:00 ng umaga noong Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Poblacion II, Santa Maria, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Sheila Marie A. Ignacio, ng RTC Branch 80, Morong, Rizal para sa kasong murder na walang pyansang inirekomenda.

Samantala, arestado rin ang akusadong si Alvin Catimbang sa hiwalay na operasyon ng Sta. Maria Municipal Police Station at 402nd MC RMFB4A dakong alas-7:30 ng umaga noong Oktubre 6, 2022 sa Brgy. Poblacion II, Santa Maria, Laguna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Sheila Marie A. Ignacio, ng RTC Branch 80, Morong, Rizal para sa kasong murder na walang piyansang inirekomenda.

Ang naarestong mga akusado ay nakakulong sa ilalim ng custodial facility ng kani-kanilang operating units, habang ang korteng pinagmulan ng kani-kanilang warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng mga akusado.

Ayon sa pahayag ni P/Col. Silvio, “Ang pagkahuli ng mga akusadong ito ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng mamamayan ng Laguna at kapulisan sa pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan sa ating mga himpilan ay mas mabilis nahuhuli ang mga akusado na nagtatago dito sa Lalawigan ng Laguna. Kaya nagpapasalamat po kami sa mga taga Lalawigan ng Laguna sa patuloy na pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan”.

209

Related posts

Leave a Comment