NAGLABAS ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) na nagpapahintulot sa law enforcement officers na arestuhin ang vote buyers at sellers nang walang warrant kapag sila ay naaktuhan.
Ang Resolution No.11104 ay magpapalawak ng awtoridad ng Committee on Kontra-Bigay ng poll body na subaybayan ang pagbili at pagbebenta ng boto sa Eleksyon 2025.
Ang resolusyon ay nagpapahintulot sa isang tagapagpatupad ng batas na gumawa nang walang warrant na pag-aresto kung siya ay nakasaksi ng isang pagtatangkang gumawa o nakagawa na mga pagkakasala sa halalan.
“Any law enforcement officer may, without a warrant, arrest a person when, in his or her presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit the election offense of vote-buying and vote-selling or act constituting ASR (abuse of state resources),” ayon sa resolusyon.
Habang ng materyales na ginamit sa vote buying o selling ay isasailalim sa kustodiya ng pulisya. (JOCELYN DOMENDEN)
5