‘WEBINAR ON CUSTOMS POLICIES AND OPERATIONS’ ISINAGAWA NG BOC-PORT OF LEGAZPI

Para matiyak ang ugnayan sa stakeholders sa pagharap sa pandemic, ang Bureau of Customs (BOC) – Port of Legazpi ay nagsagawa ng kanilang kauna-unahang Webinar on Customs Policies and Operations via Zoom Teleconference and Facebook Live noong nakaraang Nobyembre 19, 2020.

Ang isinagawang Webinar ay dalawa’t kahalating oras na aktibidad kung saan ay tinalakay ang ‘Customs Jurisdiction and Control, Port Operations Process, Assessment Issuances and Fines and Surcharges.’

Ang mga isyung pinag-usapan ay iprinesenta nina Deputy Collector for Operations Vincent A. Villanueva; Acting Chief ng Port Operations Division Minnette M. Arcilla; Mr. John P. Matias mula sa Office of the Deputy Collector for Assessment, at Acting Customs Principal Appraiser Cris G. Paller.

Dinaluhan naman ang nasabing okasyon ng ibat-ibang importers, ­exporters, port operators at mga ahente na nakikipag-transaksyon sa Port of Legazpi sa pamamagitan ng webinar at ang stakeholders ay hinikayat na magbigay ng komento at suhestiyon kung paano ang pagpapaganda ng Port’s services.

Sa pahayag ni District Collector Arsenia C. Ilagan, sinabi niya na kanilang ­binibigyan ng importansiya ang 10-Point Priority Program ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Layunin nito na bigyan linaw at update ang stakeholders sa pinakabagong ‘issuances, policies and ­operational processes’ para sa mahusay na transaksyon at pagtalima ng kasalu­kuyang customs rules and regulations.

Karagdagan nito, ang pakikipag-ugnayan ay isang plataporma para palakasin ang paghahatid ng serbisyo ng ahensiya sa pamamagitan sa pakikipagtulungan sa stakeholders ng Bureau.

(Joel O. Amongo)

137

Related posts

Leave a Comment