WHITE ONION TIMBOG NA NAMAN SA TONDO

MATAPOS ang matagumpay na operasyon ng Bureau of Customs (BOC) kontra agri-smuggling sa Lungsod ng Maynila kamakailan, binalikan ng mga operatiba ang naturang lugar kung saan nasa P2-milyong halaga naman ng puting sibuyas ang tumambad sa mismong kalye kung saan unang nahagip ang nasa P30 milyong halaga ng smuggled white onion.

Kasama ang Department of Agriculture (DA), DA Wide Field Inspectorate (WFI), Bureau of Plant Industry (BPI) at Philippine Coast Guard (PCG), sinalakay ng mga operatiba ang isa pang bodega sa Kalye Sto. Cristo sa Tondo, Maynila kasunod ng mga panibagong impormasyon hinggil sa patuloy na pagdating ng mga smuggled agri-product na ibinabagsak sa naturang bahagi ng lungsod.
Base sa kalatas ng BOC, hindi na nila inabutan sa pinuntiryang bodega ang may-ari ng kargamento at maging ang nangangasiwa ng naturang warehouse. Gayunpaman, da­lawang kagawad ng nakakasakop ng barangay ang humarap sa pinagsanib na pwersa mula sa iba’t ibang ahensya.

Pagtitiyak naman ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, mas magiging agresibo pa ang kampanya ng pamahalaan kontra agri-smuggling na aniya’y unti-unting pumapatay sa lokal na sektor ng agrikultura. (BOY ANACTA)

176

Related posts

Leave a Comment