(NI MAC CABREROS)
“WE fervently hope that President Duterte would deliver his promise.”
Ito ang hiling ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) kay Pangulong Duterte matapos ihayag na tutuparin ang pangakong itataas ang sahod ng mga guro.
Sinabi TDC national chairperson Benjo Basas na umaasa rin silang hindi susundan ni Duterte ang lumang Salary Standardization Law ni dating pangulong Aquino kung saan abot lamang sa P2,205 ang umento sa loob ng apat na taon.
“If President Duterte will base the salary increase on that obsolete law, just like his predecessors, he would be a party for the perpetuation of the scheme which is unjust and discriminatory,” diin ni Basas.
Nilinaw din nito na nasa 800,000 lamang at hindi milyon ang bilang ng mga guro sa bansa.
Napag-alaman ng Saksi Ngayon na sumasahod lamang ang mga guro ng P20,754 kada buwan na malayong mababa sa mga pulis na nakakapag-uwi ng P29,668.
Nais ng mga guro na ipagkaloob ng gobyerno ang P10,000 umento sa sahod.
Naunang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones na hinahanapan na nila ng pondo sa naturang umento.
