ISA na namang ginto, sa pagkakataong ito sa wushu, ang nasungkit ng Pilipinas sa idinaraos na SEA Games sa bansa.
Napanatili ni Agatha Wong ang galing sa larangan para nakuha ang gold medal sa taolu taijiquan event sa Southeast Asian Games wushu, Linggo ng umaga sa World Trade Center.
Bago ang ginto ng Wong, nauna nang nasungkit ni John Chicano, ang ginto ng triathlon para sa bansa sa 30th Southeast Asian Games.
Ikalima sa siyam na atletang lumahok, nakakuha si Wong ng iskor na 9.67. Nanguna rin si Wong sa naturang event sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.
