(NI BOY ABUNDA)
KABI- kabila ang ginagawang proyekto ni Xian Lim mula nang lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency.
Bukod sa isang bagong pelikula ay mapapanood na rin sa susunod na taon ang teleseryeng βLove Thy Womanβ na pinagbibidahan ng aktor at kasintahang si Kim Chiu. βI have a film with Viva. Exciting year, it has been an amazing 2019. And nakatutuwa nga dahil 2020 na next year, ang bilis ng panahon. Dire-diretso naman ang taping namin.
Ganoβn naman eh kapag nagte-tape na, nararamdaman mo na lang kapag papalapit na. Nangungulit kami, tinatanong namin kung kailangan ipapalabas, sabi naman daw for sure next year. Definitely first quarter,β pagbabahagi ni Xian.
Bukod sa pagiging isang artista ay nahilig na rin ang aktor sa pagsusulat ng istorya at sa pagiging isang direktor.
βMay sinusulat akong pelikula. I would say, when I started to have passion for it, I started with Binibining Joyce Bernal. May mga times na pinupuntahan ko siya habang naglalakad siya sa U.P., habang nag-iisip siya ng mga concepts, mga ganoβn. I think isa siya sa mga mentors na napagtatanungan ko. Mostly my previous directors eh, katulad nina direk May (Cruz-Alviar). Usually nag-uusap pa rin kami, tinatanong ko sila. I have the privilege of asking my previous directors at nabibigyan nila ako ng mga insights and wisdom. I think βyon ang pinaka-importante,β paglalahad ng binata.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap si Xian na maidirek si Kim sa isang kakaibang pelikula. βOo naman, definitely, βyun lang ang nasabi ko. Kasi ang tagal na rin naming magkasama ni Kim. Ang experience lang talaga namin ni Kim is being oncam but it will be a completely different thing kung siya naman βyung nasasabihan ko. Pero parang mahirap βyon,β natatawang pahayag ng aktor. -Reports from JCC-
299 