YASSI NILANTAD BAGONG BF

(Ni BETH GELENA)

KALAT sa social media ang picture ni Yassi Pressman at ang Filipino-Canadian boyfriend na si Jon Semira kung saan hinahalikan niya ito sa cheek tanda ng pagbati rito ng happy birthday.

Sa Instagram posted photo nilagyan ito ni Yassi ng caption, “I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day.”

Isang Filipino-Canadian basketball player si Semira.

Noong July 21, in-upload ni Yassi sa Instagram ang larawan nila ni Jon mula sa Amsterdam,Netherlands.

Medyo nakakubli ang mukha ng guy kaya hindi gaanong maaninag ang mukha nito.

Nasa aktong nakahalik ang aktres-host sa cheek ng guy at binati nga niya ito sa kanyang kaarawan.

Walang name na binanggit si Yassi, pero naka-tag ang Instagram account sa may username na @imjonnytsunami.

Kapag tsinek ang account, ang real name na nakalagay ay Jon Semira.

Sinabi pa ni Yassi sa caption, masaya siyang nagkatagpo silang dalawa.

Eto ang kabuuan ng caption ng aktres,”HBD [heart emoji] so happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.

“I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when u think i’m kulit [round eyes, smiling with a hand over his mouth emoji]”
Nagpaabot din ng pagbati para sa boyfriend ang celebrity friends nito at masaya sila para sa actress-TV host.

142

Related posts

Leave a Comment