YEAR END BONUS NG GOV’T EMPLOYEES IBIGAY NA – DEFENSOR

UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na ibigay na ang year end bonus ng kanilang mga empleyado upang makapamili na ang mga ito bago ang Christmas holidays.

“They will be able to avoid crowds in malls and other shopping areas if they can plan their purchases in advance, and they can steer clear of the highly infectious novel coronavirus,” ayon sa mambabatas.

Base aniya sa Republic Act No. 11466 o “Salary Standardization Law of 2019”, bukod sa midyear bonus na katumbas ng isang buwang sahod ay meron pang year end bonus ang mga empleyado ng gobyerno.

Katumbas din aniya ito ng isang buwang sahod ng government employees bukod sa P5,000 cash gift at nakasaad din umano sa nasabing batas na kailangang maibigay ito sa buwan ng Nobyembre.

Sa Kamara aniya, matatanggap na ngayong linggo ng mga empleyado ng Kongreso ang kanilang year end bonus at iba pang benepisyo matapos iutos na ni House Speaker Lord Allan Velasco na i-release na ang nasabing pondo.

Nai-release na umano Department of Budget and Management (DBM) ang pondo sa mga ahensya ng gobyerno para sa year end bonus at cash gift kaya dapat maibigay na ito agad sa mga empleyado.

Inaasahan na makatatanggap din ng P33,575 year end bonus at P5,000 cash gift ang government nurses matapos itaas sa Salary Grade (SG) 15 ang kanilang buwanang sahod sa ilalim ng Philippine Nursing Act of 2022. (BERNARD TAGUINOD)

223

Related posts

Leave a Comment