YES SA CABLE CAR SYSTEM

FOR THE FLAG

Pinag-aaralan na ang posibilidad ng paglalagay ng urban cable car system para sa bansa upang maibsan ang trapiko sa Metro Manila.

Ito ay matapos magbigay ng grant na P27 milyon ang bansang France para sa pag-prepare ng isang feasibility study kung saan tutukuyin din ang mga lugar na maaaring lagyan nito sa Metro Manila.

Ang pag-aaral ay isinasagawa ng dalawang French company na eksperto sa paglalagay ng cable car system.

Ikinokunsidera rin ang paglalagay nito sa mga lugar na dinadagsa ng mga turista katulad ng La Union patungong Baguio at Caticlan patungong Boracay.

Aminado ang Department of Transportation (DOTr) na ang cable car system ay isa lamang sa approaches na makakatulong upang masolusyunan ang trapiko.

Napag-alaman rin nating ikinukonsidera ng DOTr at maging ang mga eksperto nito ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng paggamit ng mga ferry boat.

Sasailalim ang prangkisa para sa nasabing transport system sa ilalim ng MARINA. Dati namang may mga public ferry boat na bumabagtas sa Pasig River.

Halos buong Metro Manila ay kadudugtungan ng Pasig, tungo sa Laguna Lake, patungong Marikina River at tuluyan na hanggang Montalban.

Masaya pa ‘yan, maaaring maglagay tayo ng gondolier upang magsilbing entertainment sa ating mga pasahero. Hindi malayong maging tourist attraction pa ‘yan na makadaragdag sa ating turismo.

Walang gagastusin ang pamahalaan diyan dahil ipapa-operate natin sa private groups ‘yan, maaaring magkaroon ng prangkisa upang magkaroon ng kompetisyon para sa mas magandang serbisyo.

Magpa-bid tayo para sa pinaka-magaling na proposal para ma-maximize ang kapakinabangan ng taumbayan sa isang ferry boat alternative public transport system.

Makalilikha pa ‘yan ng dagdag na hanapbuhay para sa ating mga kababayan dahil bukod sa pagmamantine ng mga ferry boat, kinakailangan ding manatili ang lalim ng Pasig River at mga kadugtungang ilog at linisin ang mga daluyan sa water lily.

Kung mape-perfect lamang natin ‘yang ferry boat system sa Pasig ay pihadong higit 100,000 ding mga pasahero ang makikinabang araw-araw. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

360

Related posts

Leave a Comment