‘YOLANDA’ HOUSING SA BILIRAN, KUMPLETO NA

PORMAL nang ipinamahagi ng National Housing Authority (NHA) Region 8 ang nakumpletong housing units sa bayan ng Almeria, Biliran, na dinaluhan “virtually” ni Cabinet Secretary KarloNograles nitong Martes, Agosto 18, 2020.

Sa ginanap na ceremonial turnover ng 405 units ng Yolanda Permanent Housing Projects sa Villa Abrea sa Brgy. Jamorawon, Almeria, Biliran ay nagpahayag ng pasasalamat si Nograles sa national government agencies at local government units para sa kanilang kooperasyon at mabilis na pagtugon sa pagpapatupad ng proyekto sa pabahay para sa mga biktima ng bagyo.

“Panglima na ito sa mga ginawa nating virtual turnover sa magkakasunod na linggo at ito yung pangatlo sa probinsiya ng Biliran. Nagpapasalamat ako hindi lang dahil nakita ko kung gaano kasipag magtrabaho ang ating mga kawani ng gobyerno. Na kahit may pandemya sa Covid, tuloy- tuloy pa rin ang ating trabaho at serbisyong hatid sa publiko,” pahayag ng Chairman ng Inter-agency Task Force Yolanda.

Bagamat 100% kompleto na umano ang housing units ay inunang ipamahagi ang 405 units at kagya’t din namang ipamamahagi ang nalalabi pang 524 units para sa mas higit nanangangailangang mga benepisyaryo.

Pinasalamatan din ng kalihim sina Mayor Richard “Ric-Ric” Jaguros, Vice Mayor Marygie Ticoy, Sangguniang Bayan members at iba pang opisyal ng munisipyo.

“Sa pangunguna ng mga taga-NHA Region 8 na pinamumunuan ni Regional Manager Engr. Dodong Antiniero, local chief executives, at mga kapwa lingkod bayan na nagbibigay serbisyo publiko.

Maraming salamat sa inyong walang humpay na sakripisyo para sa kabutihan ng ating mga kababayan,” dagdag pa nito. (CHRISTIAN DALE)

207

Related posts

Leave a Comment