ZALDY CO PWEDENG IPA-EXTRADITE KUNG AYAW UMUWI

POSIBLENG gamitan ng extradition treaties si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co para mapabalik sa bansa kung patuloy itong hindi uuwi lalo na kapag may kasong naisampa na laban sa kanya kaugnay ng P35-B flood control projects anomaly.

Ito ang binunyag ni House public accounts chairman at Bicol Saro Rep. Terry Ridon, kasunod ng pormal na anunsyo na ihihinto na ng Infra Committee ang imbestigasyon.

“The measures of the executives to compel him go back ay pwede nilang iimplement… like extradition,” giit ni Ridon.

Noong Setyembre 19, kinansela ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang travel clearance ni Co at inatasang bumalik sa loob ng 10 araw para harapin ang akusasyon. Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring balitang uuwi si Co, na lalong nadiin matapos umamin si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara na regular na nagbibigay sila ng komisyon sa mambabatas.

Mariin namang itinanggi ni Co ang alegasyon at iginiit na “false and baseless” ito.

Samantala, hiniling na ni DPWH Secretary Vince Dizon sa Anti-Money Laundering Council na i-freeze ang umano’y P4.7-B air assets ni Co. Bukod pa rito, naghain din si Navotas Rep. Toby Tiangco ng reklamo sa House ethics committee laban sa kanya, matapos lumobo ang kontratang nakuha ng Sunwest Construction — kumpanyang itinatag ni Co bago pumasok sa pulitika.

(BERNARD TAGUINOD)

86

Related posts

Leave a Comment