‘ZERO BILL’ SA KURYENTE PARA SA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, INANUNSYO NG ERC

MILYUN-MILYONG Pilipino ang inaasahang makararanas ng zero billing sa buwanang singil sa kuryente sa ilalim ng pinalawak na lifeline subsidy program.

Inihayag ng Energy Regulatory Commission na ang marginalized end-users na kumokonsumo ng 0–50 kWh kada buwan ay karapat-dapat na sa 100% diskwento sa buong electric bill—mula generation hanggang VAT.

Magkakabisa ang bagong Lifeline Subsidy Rate 15 araw matapos mailathala ang resolusyon na inaasahang sa susunod na buwan.

Kwalipikado ang mga benepisyaryo ng 4Ps at mga sertipikadong nasa ilalim ng poverty threshold ng PSA. Ayon sa DoE, awtomatikong rehistrado ang 4Ps beneficiaries, habang may manual registration para sa iba.

Popondohan ang programa sa pamamagitan ng P0.01/kWh levy sa non-subsidized consumers. Pamamahalaan ng PSALM ang pondo upang tiyakin ang transparency at pananagutan, habang magsasagawa ng taunang review ang ERC.

(CHAI JULIAN)

15

Related posts

Leave a Comment