ZERO WASTE TARGET NG PANUKALA SA KONGRESO

INIHAIN ni Deputy Speaker at Las Piñas Congresswoman Camille Villar ang panukala na naglalayong itaguyod ang zero waste lifestyle sa pamamagitan ng paglilipat ng recycling costs mula sa konsyumer papuntang producers, o mas kilala bilang extended producer responsibility (EPR).

Base sa House Bill 8691 o ang Extended Producer Responsibility Act of 2021, producers o manufacturers ang may responsibilidad para sa kanilang produkto, tulad ng pag-recycle at tamang pagtatapon nito na makatutulong sa problema sa basurang dulot ng paggamit ng single-use plastics.

“This may be a new concept for us but this practice has already been observed by several organizations worldwide. As we introduce this concept, we heighten the importance of waste segregation among households and hold manufacturers accountable for the their post-consumer items and packaging,” saad ni Villar.

Layon din ng panukala na bigyan ng benepisyo o incentives ang mga kumpanyang mayroong extended producer schemes.

“Through this measure, we intend to advance awareness on EPR programs although some private organizations and business entities have already adopted such mechanisms in some areas. Also, we are hopeful that Filipinos will pool their used plastic and packaging materials and learn to increase the recycling rate, reuse, or dispose of them at the cost of the manufacturers,” dagdag pa ni Villar.

Iginiit ng mambabatas na kapag naisabatas ito, makatutulong ang programa sa mga lokal na pamahalaan na naglalaan ng malaking pondo sa solid waste disposal, at ang matitipid na pera ay pwedeng magamit sa ilang programa para sa publiko.

Sa katunayan, ilang pribadong organisasyon na ang nag-adopt ng ganitong klaseng programa at gumagawa ng plastic chairs at ecobricks mula sa tinapong plastic wrappers, basag na bote at ceramic.

Plastic ang pinakamalaking kontribusyon sa kabuuang basura sa bansa at dahil dito, pangatlo ang Pilipinas sa biggest polluter kasunod lamang ng China at Indonesia. Mayroong 2.7 million metric tons ng plastic waste sa ating bansa taon-taon.

Ayon naman sa World Wildlife Fund, nagko-consume ng 20 kilong plastic ang bawat Pilipino at tinatayang 15 kilo nito ay nagiging basura. Katumbas lamang ng 9% ang recycling rate sa bansa at aabot sa 35% ng basurang plastic ang napupunta sa kapaligiran.

Base sa datos ng environmental group na Global Alliance for Incinerator Alternatives, single-use plastics tulad ng sachets ang pinakamalaking kontribusyon sa problema sa basura sa bansa. Araw-araw, tinatayang 48 million shopping bags ang ginagamit sa buong bansa at aabot sa kabuuang 17 billion ang nakukonsumo kada taon. Bukod dito, 16.5 billion na “labo” bags ang nagagamit bawat taon.

“We need to act now and support this legislation. Plastic waste is not only a problem in our country but also around the world that threaten our marine life, ecosystem and the environment. We have to step up awareness to bring up our recycling rate and moving to a greener lifestyle such as bringing our own packaging or reusable ecobags when buying,” giit ni Villar. (CESAR BARQUILLA)

359

Related posts

Leave a Comment