₱143-M LUXURY CARS NA KONEKTADO KAY ZALDY CO, SINAMSAM NG BOC

WALONG mamahaling sasakyan na tinatayang nagkakahalaga ng ₱143 milyon ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) at iniuugnay umano kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Isinilbi ang warrant of seizure sa mga sasakyang nakaparada sa isang multi-level parking facility sa BGC, Taguig City, kasunod ng intelligence report ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Pinaghihinalaang iligal na na-import ang mga sasakyan at konektado sa mga alegasyon ng maanomalyang flood control projects.

Siyam ang sakop ng warrant ngunit walo lamang ang kumpirmadong nasamsam.

Pinangunahan ang operasyon ng BOC katuwang ang PNP-HPG, SPD, ICI, CIDG, PCG, LTO, Taguig Police, at mga barangay opisyal.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, patunay ito ng matibay na paninindigan ng ahensya laban sa smuggling at malalaking anomalya.

(JESSE RUIZ)

136

Related posts

Leave a Comment