AFTER NORA NOONG 1995; JUDAY BEST ACTRESS SA CAIRO INT’L FILMFEST

(NI JERRY OLEA) BEST actress si Judy Ann Santos sa 41st Cairo International Film Festival  (CIFF, Nobyembre 20-29) sa Egypt para sa pelikulang Mindanao na idinirek ni Brillante Mendoza. Ginanap ang awards night nitong Nobyembre 29, Biyernes (Sabado ng umaga sa Pilipinas) sa Cairo Opera House. Nasungkit din ng Mindanao ng Henry Barakat Award for Best Artistic Contribution. Ang Mindanao ay isa sa walong official entries ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) na mag-uumpisa sa December 25. Si Juday ang ikalawang Pinay na nag-best actress sa CIFF. Nag-best actress si…

Read More

GAGAMITIN SA CASINO? P6-B CASH IDINAAN SA NAIA

(NI ABBY MENDOZA) IBINUNYAG ni ACT CIS Rep. Eric Yap na may P6 bilyong cash ang pumasok sa bansa mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagitan lamang ng buwan ng Seyembre hanggang Oktubre na nanggaling sa Hongkong at Singapore. Ayon kay Yap, male-maleta nang dumating ang mga pera na ang may bitbit ay mga Pinoy base na rin sa kanilang mga pasaporte, nang tanungin ay gagamitin umano ito sa casino. Sinabi ni Yap na walang batas na nagbabawal magpasok ng malaking halaga sa bansa basta lamang ideklara ito.…

Read More

PNP, NBI NAIS BIGYAN NG NGIPIN VS CYBER CRIMINAL

(NI ABBY MENDOZA) ISANG panukala na magbibigay kapangyarihan sa Philippine National Police(PNP) at National Bureau of Investigation(NBI) na makapagsagawa ng electronic at communications surveillance sa mga cyber criminals na sangkot sa human trafficking at sexual exploitation ang isinusulong sa Kamara. Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, may akda ng House Bill 5651, magtatagumpay ang kampanya laban sa human trafficking at sexual exploitation kung mismong mga awtoridad ay mayroon ding kakayahan gaya ng mga ginagawa ng mga cyber criminals. Sa panukala ni Herrera-Dy ay hinihiling nito na bigyan ng…

Read More

DAHIL KAY CALOY YULO, GYMNASTICS DUDUMUGIN

(NI VT ROMANO) INAASAHANG dudumugin ang bagong bihis na Rizal Memorial Coliseum, upang saksihan ang pagsabak ni world champion Carlos Edriel Yulo sa 30th SEA Games gymnastics competition simula ngayon. Sasalang ang 19-anyos na si Yulo sa pitong events ng biennial meet, kung saan siya ay paborito sa floor exercise event, matapos na maging kauna-unahang Filipino na nagwagi ng gold medal sa World Championship kamakailan sa Stuttgart, Germany. Ang panalo ni Yulo sa Germany ay nagbigay sa kanya ng tiket para makalahok sa Tokyo Olympics sa 2020. Sa unang araw…

Read More

LPG MAY DAGDAG-PRESYO BUKAS

(NI ROSE PULGAR) BUKAS, (Disyembre 1), ay may dagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ang ilang kumpanya ng langis sa bansa. Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.25 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75  na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo mamayang alas- 12:01 ng hatinggabi (Disyembre 1). Bukod dito, tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi. Aasahan naman ang pagsunod ng…

Read More

BAGYONG TISOY PUMASOK NA NG BANSA, SAMAR NASA  SIGNAL NO 1 NA

ulan55

(NI ABBY MENDOZA) PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar. Ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa, taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng  Virac, Catanduanes. Sinabi ng Pagasana sa Disyembre 2, Lunes…

Read More

TAMANG PAGGASTOS NG PERA ITUTURO SA ELEMENTARYA

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang panukalang mag-oobliga na ituro sa lahat ng antas ng paaralan ang wastong paggamit ng salapi o ang subject na Economics and Personal Finance (EPF). Iginiit ni Gatchalian na makakatulong ito upang mai-angat ang antas ng financial literacy o sapat na kaalaman sa tamang paggamit ng salapi. Sa ilalim ng Senate Bill 1192 o ang “Economics and Financial Literacy Curriculum Act of 2019”, kakailanganin ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo na kumuha ng kursong EPF bago makapagtapos. Sa elementarya, ilan sa…

Read More

BILANG NG MAG-AARAL SA BAWAT KLASE PINALILIMITAHAN

students12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Grace Poe na limitahan ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase upang makatiyak na de kalidad na edukasyon ang maibibigay sa kanila. Sa kanyang Senate Bill 1190, iginiit ni Poe na dapat magkaroon ng regulasyon para sa bilang ng mga mag-aaral sa isang klase at magkaroon ng dagdag na insentibo sa mga guro na humahawak ng mas malaking klase. Ipinaalala ni Poe na ang edukasyon ang pundasyon ng bansa at tungkulin ng estado ang promosyonng de kalidad na edukasyon sa lahat ng antas…

Read More

HOSTING SA SEA GAMES, ISALANG SA POST AUDIT  — SOLONS

SENATE

(NI DANG SAMSON-GARCIA) PABOR ang dalawang senador na magsagawa ng post-audit o analysis sa pamamahala ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games. Ito ay upang matukoy ang mga kamalian at kung may iregularidad na nangyari sa mga aktibidad na isiganawa gayundin sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa kompetisyon. Ayon kay Senate Majority leader Migz Zubiri, kailangan ding matukoy ang mga pagkakamali sa hosting upang matiyak na masasaayos ito para sa susunod na kaganapan ng bansa. “Automatic naman yan, magkakaroon ng post analysis, ano pa pwedenggawing maayos for next hosting,…

Read More