2019 ASEAN PARAGAMES INATRAS SA KAWALAN NG PONDO

(NI ANN ENCARNACION) NAUBOS ang pondo sa 30th Southeast Asian Games kaya’t imbes na Enero ay sa Marso 2020 na gagawin ang kakambal na torneo nito, ang 2019 ASEAN ParaGames. Ito ang malungkot na inamin ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez kahapon kaugnay sa paghohost ng bansa sa ika-10 edisyon ng Asean Para Games. “We received a memorandum asking us to fund the Asean ParaGames,” sabi ni Ramirez. “Concern is wala na kami maibibigay pa sa paghohost natin because we spent most of our funds for the…

Read More

MAS MALAKING CASH INCENTIVES SA MAGWAWAGING ATLETA IKINASA

(NI ESTONG REYES) IKINASA ni Senador Edgardo Angara ang  isang panukalang batas na magtataas sa cash incentives sa magwawaging atletang Filipino matapos magtala ng aabot sa 400 medalya ang Philippine contingent sa ginanap na 30th Southeast Asian Games. Sa pahayag, sinabi ni Angara na dapat tumbasan ng pamahalaan ang nakamit ng atletang Pinoy sa SEA Games na nagbigay ng matinding karangalan sa bansa. Bahagi ng nakakamanghang nakamit na medalya ang 149 gold medals mula sa pagsusumikap at maraming personal na sakripisyo sa bahagi ng Philippine contingent. “What our national athletes achieved…

Read More

DAHIL KAY CALOY YULO, GYMNASTICS DUDUMUGIN

(NI VT ROMANO) INAASAHANG dudumugin ang bagong bihis na Rizal Memorial Coliseum, upang saksihan ang pagsabak ni world champion Carlos Edriel Yulo sa 30th SEA Games gymnastics competition simula ngayon. Sasalang ang 19-anyos na si Yulo sa pitong events ng biennial meet, kung saan siya ay paborito sa floor exercise event, matapos na maging kauna-unahang Filipino na nagwagi ng gold medal sa World Championship kamakailan sa Stuttgart, Germany. Ang panalo ni Yulo sa Germany ay nagbigay sa kanya ng tiket para makalahok sa Tokyo Olympics sa 2020. Sa unang araw…

Read More

KAWALAN NG HALAL FOOD ISINISI NG NCMF SA PHISGOC

ISINISI ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang kawalan ng halal food para sa mga delegadong kalahok sa 30th Southeast Asian Games. Binalewala umano ng PHISGOC ang panawagan nila noong Setyembre pa hinggil sa paghahanda ng halal food para sa Muslim athletes at guests. “We waited for some communications. Wala na po eh. So we assumed na they can do it. Mahirap kasi ‘yung singit kami nang singit and they don’t find us important,” sabi ni NCMF Executive Director Tahir Lidasan. Kamakalawa…

Read More

‘BANGAYAN SA P50-M ‘KALDERO’ WAG NANG PATULAN’

(NI ABBY MENDOZA) DAHIl wala namang maidudulot na mabuti, pinatitigil na ng isang senior congressman ang sagutan ng mga pulitiko ukol sa kontroberiyal na P5OM cauldron o tinawag na “kaldero” na gagamitin sa 2019 SEA Games. Ayon kay  Dasmariñas City Rep. Pidi Barzaga na sa nalalapit na SEA Games ay suporta sa mga atleta ang nais na marinig ng mga ito at hindi ang batuhan at sagutan ng mga akusasyon. Nobyembre 30 na umano ang pagsisimula ng SEA Games na pinaghandaan ng bansa kaya dapat na isantabi na muna ang…

Read More

KOOPERASYON NG BOC AT ASEAN SA SINGLE WINDOW SYSTEM PINAGTIBAY

Finance Undersecretary Gil Beltran

Pinagtibay pa ang kooperasyon  ng Pilipinas at miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)  pagda­ting sa usapin ng  Single Window System sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman  na i­naasahang magsisimula sa pagtatapos ng kasalukuyang taon. Bahagi pa rin ito ng pagsisikap ng 10-nation bloc para palakasin ang cross-border trade at pagbabawas ng gastusin at oras ng kalakalan sa buong rehiyon. Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, bukod sa Pilipinas, ang iba pang ASEAN member-states na  nakahandang pumasok sa ASEAN Single Window (ASW) platform ay  ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand,…

Read More

SAHOD NG GURO ITATAPAT SA ASEAN NEIGHBORS 

teachers12

(NI NOEL ABUEL) NAPAPANAHON nang itaas ang suweldo ng mga guro sa bansa na dapat ipantay sa sinusuweldo ng mga guro mula sa mga bansa sa Association of South East Asian Nations (ASEAN). Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian sa pagsasabing ipaprayoridad nito ang panukalang naglalayong dagdagan ang sahod ng mga public school teachers sa elementary at secondary schools na may ranggong Teacher I, Teacher II, at Teacher III. Sa ilalim ng Senate Bill No. 178, mula sa Teacher I, Teacher II at Teacher III na public school teachers…

Read More

5-TAONG VISA SA PINOY NA GUSTONG MAGTRABAHO SA JAPAN, POSIBLE

japan12

POSIBLE umanong mabigyan ng limang taong visas sa ilalim ng bagong trade agreement ang mga Filipino na professional o businessman na naghahanap ng trabaho o negosyo sa Japan, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Sinabi ng DTI na ang Pilipinas, bilang bahagi ng Association of Southeast Asian Nations, ay lumagda sa First Protocol na nag-aamyenda sa ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership (AJCEP) Agreement sa Siem Reap, Cambodia. Ang AJCEP ay isang free-trade deal na nagbabawas, kundi man, magtatanggal ng buwis sa mga produkto sa pagitan ng ASEAN countries at…

Read More

GOBYERNO PINAG-IIMBAK NG LANGIS

oil

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG hindi masaktan ang mga consumers sa tuwing tumataas ang presyo ng langis sa world market, iminungkahi ng isang mambabatas sa Kamara sa gobyerno na mamili  at mag-imbak ng langis gamit ang Malampaya fund at excise tax sa mga produktong petrolyo. Base sa House Resolution (HR) 1936 na inakda ni 1-Pacman party-list Rep. Michael Romero, nais nito na magtatag ng tinatawag na “National Strategic Fuel Reverse” upang masiguro na may sapat na supply ng langis ang bansa. Nais din ng mambabatas itaas sa 45 hanggang 60 araw…

Read More