FACE OFF NINA AGUIRRE AT TULFO SA SENADO

PRO HAC VICE

MUKHANG magkakaroon ng bulgaran o batuhan ng baho sa susunod na pagdinig ng Senado sa isyu ng ­Philippines ­offshore ­gaming ­operators o POGO itong sina ­dating Department of Justice Vitaliano Aguirre at kilalang ­kolumnista na si Ramon Tulfo.

Sino kaya kina Aguirre at Tulfo ang lulutang at hahangaan ng nakararami dahil sa pagsasabi ng katotohanan? Sino naman kaya sa kanila ang paparatangan na sinungaling?

Kasi nga ay naunang pinangalanan o ­pinaratangan ni Ginoong Tulfo si  dating Justice Secretary  Aguirre na umanoy nakinabang sa “pastillas scheme” na ­kinasasangkutan ng ­ilang mga  opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration.

Sa naging testimonya ni Tulfo sa Senado, sinabi nito na gumagamit pa umano ng helicopter ang mga taong nagdadala ng pera o tara na kaparte at ­kabahagi sa modus operandi sa ‘pastillas’ ni ­dating Kalihim Aguirre sa probinsiya nito sa Mulanay, Quezon.

Iba naman ang bersyon ni Aguirre dahil sabi nito, walang katotohanan ang lahat ng parating ni Ramon Tulfo at kailanman ay wala umano siyang alam sa naturang anomalya.

Kahit naman ang mismong whistle blower daw ay hindi idinawit si Aguirre sa kontrobersyal na “pastillas scheme”.

Parungit naman ng ­dating kalihim kay Ramon Tulfo na umanoy may galit lamang ito sa kanya dahil noong siya pa ang kalihim ng Kagawaran ng ­Katarungan na hindi niya napagbigyan ang ­kahilingan ni Tulfo.

Hiling daw ng ­kolumnista  na pag-isahin na lang sa hukuman sa Maynila ang may 70 kasong ­kriminal na isinampa ng Iglesia ni Cristo (INC) laban kay Tulfo dahil sa umano’y mga mapanirang pahayag nito laban sa pamunuan ng nasabing relihiyon.

Kaya “KA-SAKSI”at mga “KABALAT” Abangan nating lahat ang susunod na kabanata!!! BERT MOZO

 

 

Read More

PAGSASAPRIBADO NG NEGOSYO NG ELECTRICITY TRANSMISSION: MORE HARM THAN GOOD

HINDI lamang banta sa pambansang seguridad ng Pilipinas ang dulot nang pagsasapribado ng negosyo ng electricity transmission kung hindi  sa posisyon ng pananalapi ng pamahalaan para sa pagbabayad ng pagkakautang nito sa panlabas.

Ang tagapangasiwa at pagmamay-ari ng ­transmission grid ay nakaatas sa isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) at ito ang National Transmission Corporation o TRANSCO.

Sa kasalukuyan, ang pag mamay- ari nito, para sa kaalaman ng marami, ay nananatili sa pamahalaan o sa taumbayan. Ngunit makikita natin na ang pakinabang nito ay nawala sa taumbayan at ipinasa lamang sa iilang mga ­negosyante na mabibilang natin sa daliri ng ating isang kamay.

Bago pa isapribado ang operasyon ng TransCo , ito ay kumikita, bayad lahat ang mga pagkakautang at ito ay pinapatakbo ng Pinoy engineers sa isang operating system na pinili ng mga ito.

Noong 2007, ang ­negosyo ng transmission ay pina-bid sa National Grid Corporation of the ­Philippines sa halagang P168.8 bilyon para sa 25 taong operasyon nito.

Sa operasyon ng ­sampung taon (10 years) ng NGCP, ito ay kumita na ng halagang P206 ­bilyon at nakapagremit na sa ­negosyante nito ng halagang P187.84 bilyon.

Ang apatnapung ­porsiyento (40%) o P75.14 bilyon ng remittance ay napunta sa State Grid of China at ang nalalabing animnapung porsiyento (60%) o P112.7 bilyon ay napunta sa ­dalawang Filipino-Chinese na nagmamay-ari ng NGCP.

Makikita rito na sampung taon pa lang ay mas malaki na ang naibulsa ng mga ­pribadong ­negosyante kaysa sa binayaran na karapatan nito sa negosyo (P168.8 ­bilyon) na binigay sa dalawapu’t limang taon (25 years).

Ayon sa pag aaral ng mga datos sa operasyon ng TRANSCO, bago ito ­isinapribado, ay may mga cash surplus na ito.

Sa pag-tantiya, kung hindi ito isinapribado, sa  tagal na 2009-2018 ang pamahalaan ay mayroon sanang cash surplus na nagkakahalaga sa P112.7 bilyon na pinakinabangan dapat ng lahat ng mamamayang Filipino at hindi ng iilan kung saan mas nakalalamang pa ang mga dayuhan. ATTY. RED TUAZON

 

Read More

BOC-PORT OF CLARK, LIPAD NAG-USAP; SECURITY BORDER, OPERASYON PAGTUTULUNGANG ISAAYOS 

NAGKAROON ng pagkikita at pag-uusap sina Bureau of Customs-Port of Clark Atty. Ruby

NAKIPAGKITA si Bureau of Customs Port of Clark (BOC-PC) District Collector Atty. Ruby Alameda sa kanilang stakeholders upang palakasin ang ugnayan at security border ng kanilang nasasakupan.

Isa sa stakeholders na kinausap ni Alameda si Bi Yong Chungunco, President/CEO ng Clark International Airport Luzon International Premier Airport Development (LIPAD) Corp.

Napag-usapan ng dalawa sa kanilang meeting ang pamamaraan para sa pagpapaganda ng operasyon sa passenger services, pag-establisa ng examination area para sa marked goods sa pamamagitan ng x-ray at ang hakbang para sa bagong terminal building kung saan inaasahan na mago-operate sa darating Abril 2021.

Ayon kay Atty. Alameda, ang nasabing  pag-uusap ay isang inisyatiba ng port na laging nakikipag-ugnayan sa kanilang partners at stakeholders upang matugunan maging ang kaalaman sa mga pagbabago at mga programa.

Matatandaan kamakailan ang Port of Clark ay pinangunahan ang FY 2021 Budget Planning na dinaluhan ng mga kinatawan ng Administrative Division Chiefs and Budget Officers mula Ports of Aparri, San Fernando, Subic, Limay at Clark. BOY ANACTA

 

Read More

PORT OF DAVAO, PORT OF ZAMBOANGA LUMAMPAS SA TARGET

BOC DOCS

HUMATAW SA FEBRUARY COLLECTION

LUMAMPAS sa kani-kanilang month of February collection targets ang Bureau of Customs (BOC) Port of Davao at Port of Zamboanga base sa kanilang pinakahuling tala.

Ang BOC Port of Davao ay nakapagtala ng kabuuang koleksyon ng P2, 308, 768,285.12 na lumagpas sa nakatalaga sa kanilang target na P2,241,000.00.

Dahil dito, ay nakapagtala ng +3.02% sobra na may katumbas na P67,768,285.12.

Kaugnay nito, sa isinagawang Flag Raising Ceremony noong nakaraang Lunes, pinasalamatan ni District Collector Atty. Erastus Sandino Austria ang ginawang tulong ng mga opisyal at tauhan ng Collection District XII na naging dahilan ng kanilang pagkakaabot sa kanilang monthly collection target.

Samantala, nakapagtala rin ng lagpas sa kanilang month of February 2020 ang BOC Port of Zamboanga.

Sa tala ng Port of Zamboanga nitong Pebrero, 2020 ay nakakolekta sila ng P350,110,147.00.

Ang month of February target ng Port of Zamboanga ay P43,000,000.00 kung kayat nakapagtala sila ng P307,110,147.00 o katumbas na P714.21%.

Ang magandang revenue collection ng Port of Zamboanga ay dahil sa pamumuno ni Acting District Collector Segundo Sigmundfreud Barte, Jr.

Ang Port of Davao at Port of Zamboanga ang kauna-unahan sa labing pitong (17) Collection Districts na nakalagpas sa kanilang target collection sa ilalim ng BOC. JO CALIM

 

Read More

BOC MATINDI ANG PAGBABANTAY; FOREIGN CURRENCIES HIHIGPITAN SA PAGPASOK

ciustoms44

UPANG mabantayan ang galaw ng pananalapi at maprotektahan ang interest ng publiko naghigpit ang Bureau of Customs (BOC) laban sa pagpasok sa malaking halaga ng salapi ng dayuhan (foreign currency) sa bansa.

Masinsinan ang ginagawang pagmomonitor ng BOC sa umano’y bawal na pagpasok ng foreign currencies sa bansa dala ng ilang pasahero sa  iba’t ibang paliparan.

Nabatid sa BOC na may mga grupo ng passengers/couriers na nagdeklara  ng halaga ng foreign curreny  na dala nila at kilala na ang mga ito ng BOC dahil sa kanilang patuloy na pagbabantay.

Ayon pa sa ulat ng nasabing tanggapan, tinutugunan  nila at nakikipagtulungan sila ng sekreto sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), intelligence at law enforcement agencies kasama ng Kongreso.

Sa ilalim ng nananatiling batas, ang halaga ng foreign currencies na mahigit sa $10,000.00 halaga ay pinapayagang dalhin basta deklarado.

Kauugnay nito, ang BOC ay patuloy sa kanilang panata o mandato na bibigyang protection ang border laban sa ilegal na galaw ng bawal na pera o capital.

Layunin nang paghihigpit ng BOC laban sa pagpasok ng foreign currencies sa bansa ay para masawata ang mga ilegal na gawain. JOEL AMONGO

 

Read More

BUREAU OF CUSTOMS NAGHAHANDANG MABUTI

customs12

REGIONAL ENFORCEMENT PALALAKASIN

NAGING sentro sa isinagawang 27th Meeting sa Cebu ng Association of South East Asian (ASEAN) Customs Enforcement and Compliance Working Group (CECWG) noong Pebrero 25-27, 2020 ang pagpapalakas ng Regional Customs Enforcement.

Pinangunahan ang tatlong araw na pagpupulong ni Chairman Sazali Mohamad, State Deputy Director of Customs ng Royal Malaysian Customs Department, na dinaluhan ng mga delegado mula sa ASEAN member-states na Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.

Kasama ang mga kinatawan mula Australian Border Force, Intellectual Property Office Philippines (IPOPHL) at Japan Ministry of Finance.

Sa opening remarks ni Atty. Charlito Martin Mendoza, District Collector ng Port of Cebu, binigyan diin niya ang regional cooperation  na “on one hand, by showing and sharing to our neighbors where we are strong and effective and how our best practices may be used by others and, on the other hand, it is also showing and sharing where we are struggling, where we may be inefficient, where compliance is low, where we need support and assistance from our neighbors. Our unity is our strongest assault and defense against any threat-new or old-to customs compliance and enforcement”.

Pinuri naman ni Mohamad ang CECWG sa kanilang pinakamagandang plataporma upang maitaguyod ang regional customs enforcement at maipatud sa ASEAN nations.

Tinukoy din ng chairman ang kahalagahan ng progreso na naabot ng CECWG sa nakaraang dalawang taon sa kabila ng mga balakid sa implementasyon.

Ang simula ng CECWG Meeting ay kaugnay sa pagrebisa ng mga gawa na isinailalim mula sa dating 26th CECWG Meeting na isinagawa sa Bali, Indonesia.

Sa mga delegado na dumalo sa CECWG ay isinama ng bawat member-states ang ‘customs development, enforcement, mutual assistance, including regional security and protection of the society’.

Kabilang sa mga tinalakay ang may kinalaman sa isyu ng intellectual property rights and transboundary waste.

Si Atty. Theodoro Pascua at Atty. Marlita Dagsa mula sa intellectual Property Office-Philippines na representatives ng ASEAN Network of IP Enforcement Experts (ANIEE) ay nagpaliwanag sa CECWG kaugnay sa inisyatiba ng ANIEE na kung saan ay kasama ang anti-piracy information campaigns at pagsusuri ng IP-related cases para sa statistical data at analysis.

Tinalakay din ng CECWG ang isyu na ang layunin ng aktibdad ay upang labanan ang transboundary disposal ng plastic waste.

Tinanggap naman ng mga delegado ang pamamaraan ang pagpapalawak ng kaalaman na kinalaman hindi lamang sa customs administration kundi maging sa cross-border crimes at iba pang aktibidades.

Ang Australian Border Force ay nagpresenta rin ng konsepto kaugnay sa ‘real-time intelligence and information sharing’ kaugnay sa galaw ng tobacco.

Sinuportahan naman ng mga delegado ang nasabing konsepto at planong na maging ‘model of operations’ sa mga member-states domestics laws and regulations.

Ang Japan Ministry of Finance naman ay isinulong naman ang kooperasyon sa paglaban sa drugs smuggling.

Hinangad naman ng CECWG ang joint workshops kasama ng Japan para pagusapan ang enforecment area ng regional anti-drug smuggling campaign. Joel Amongo

 

Read More

UE KAMPEON SA UAAP WOMEN’S JUDO

HINDI nagpatinag si Veneza Dayao laban sa University of Santo Tomas at University of the Philippines, nang kanyang pangunahan ang University of the East sa kauna-unahan nitong UAAP Women’s Judo crown noong Linggo sa MOA Arena.

Sa kabilang banda, ang University of Santo Tomas ay sumandal sa rookie at seasoned senior para talunin ang UP tungo sa pag-angkin sa ikaapat na sunod nitong men’s title.

Tumapos ang Lady Warriors na may 30 points, angat lang ng dalawang puntos sa former five-time champions UST Lady Judokas.

Sapat ang one gold at one silver medal haul ng UE para sipain sa trono ang UST.

“Nag-stick lang naman po kami sa general game plan namin na kahit anong mangyari, walang bibitaw, walang susuko sa gitna ng laban,” lahad ni UE captain Jea Lopez, tinanghal na Season MVP.

Hinablot  ni sophomore Dayao ang half-middleweight gold laban kay Garbiele Mereria ng Ateneo, habang sina UST’s Jeanmae Lobo at Russel Arconado ang nag-uwi ng bronze.

Kumulekta naman ang Golden Judokas ng 18 points buhat sa two gold, silver at bronze medals para talunin ang Fighting Maroons, 34-32 final count.

Nagpasiklab si Sydney Sy sa kanyang UAAP debut nang tanghaling Rookie of the Year. Ang world sambo medalist ay tinalo si UP’s Jubelle Vergara sa semifinals, bago ibinalibag ang teammate na si Risa Dela Cruz sa heavyweight gold clash.

Si league debutant Gabriel Ligero ay in-upset si David Gordon ng De La Salle University sa quarterfinals ng featherweight class. Isinunod niya ang paggapi kay Miguel Gonzalvo sa finals para kulektahin ang importanteng ginto para sa UST.

Hinablot ni Ligero ang MVP plum, habang si middleweight gold medalist at Fighting Maroon bet Jayvee Ferrer ang tinanghal na Rookie of the Year. (VT ROMANO)

 

 

Read More

DIDAL NAKA-TANSO SA US

WAGI si Margielyn Didal sa 26th Tampa Pro Competition Women’s Open sa Florida, USA.

Naka-bronze si Didal sa street event sa likod ng Japanese skaters na sina Hina Maeda at Yumeka Oda, na tumapos ng 1-2 finish.

Ang Tampa event ay hagdan ni Didal patungo sa anim na Olympic qualifiers, ayon sa Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines.

Dalawampung (20) competitors, kabilang ang host Japan, ang sasabak sa first-ever Olympic skateboarding event.

Upang mag-qualify sa Olympics, kailangang makasama sa top three competitors sa 2020 World Skateboarding Championships Street sa May 18 hanggang 24  sa London, at ang 16 na iba pa ay dapat pasok sa world rankings.

Sa ngayon ay ranked 14th sa world si Didal, matapos mag-10th place finish sa Oi STU Open Rio De Janeiro sa 2020 season

Read More

UAAP SEASON 82 MEN’S VOLLEYBALL: UE NA-STRAIGHT NG FEU

HINDI pumayag ang Far Eastern University na makaiskor kahit isang set ang University of the East na kanilang tinalo, 25-10, 25-22, 25-23, sa opening day ng UAAP Season 82 men’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nanguna para sa FEU si JJ Javelona na kumamada ng 11 points, kabilang ang four straight kills sa third set.

“Ginawa namin lahat ng makakaya namin para makuha yung game,” sabi ng last year’s UAAP highschool MVP.

“Konting adjust pa sa team kasi nung third set parang nagkagulo kami tapos nag-compose kami para makuha yung panalo.”

Nagambag si Peter Quiel ng 10 points, may nine points at nine excellent receptions si Jude Garcia, habang sina JP Bugaoan at Mark Callado ay kapwa may eight markers.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si FEU head coach Rei Diaz sa panalo ng team. “Magaling yung UE nag-adjust sila, medyo matagal kaming naka-adapt and nag-adjust so magandang lesson para sa team.

Magandang opportunity yun na malagay sa ganoong sitwasyon para may matutunan pa rin kami.”

Pinangunahan ni Kenneth Culabat ang UE sa kanyang 11 points, 11 excellent receptions at six digs, habang may 10 markers si Lloyd Josafat.

Read More