SENADO, KAMARA PINAGSUSUMITE NG DOKUMENTO NG SC KAUGNAY SA IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP DUTERTE

IPINAG-UTOS ng Supreme Court En Banc sa Senado at House of Representatives na magsumite ng mga dokumento at sinumpaang impormasyon para makatulong sa pagresolba ng mga petisyon laban sa impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa hinihingi ng korte ang status ng unang tatlong reklamong impeachment na isinampa ng private citizens.

Ang eksaktong petsa kung kailan inendorso sa Kongreso ang mga reklamong ito.

Kung may kapangyarihan ba ang Secretary General ng Kamara na magdesisyon kung kailan ipapasa sa Speaker ang isang na-endorso nang impeachment complaint.

Ang legal na batayan ng Secretary General kung tatanggihan niya ang pagpapasa nito sa loob ng itinakdang 10 session days.

Kung ilang session days ang lumipas bago naipasa sa Speaker at naisama sa Order of Business, anoman ang legal na posisyon ng mga respondent.

At mga katanungan at detalye kaugnay ng Articles of Impeachment na ipinadala sa Senado.

Binigyan lamang ng Korte Suprema ng 10 araw ang Senado at Kamara upang sumagot mula sa oras ng pagtanggap nila ng abiso.

Bukod dito, ipinag-utos na rin ng Kataas-taasang Hukuman na i-consolidate o pagsamahin ang mga petisyon kaugnay ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

(JULIET PACOT)

24

Related posts

Leave a Comment