Hindi patitinag sa resulta ng election protest MARCOS TULOY ANG LABAN SA 2022

(NELSON S. BADILLA) “SIGURADONG” lalahok si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa halalan sa pagkapangulo sa 2022. Tiniyak ito ng kanyang abogado at tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez na nagsabing si Marcos ay nagsimula nang “maghanda” nitong Enero para sa eleksyong pampangulohan. Inihayag ni Rodriguez sa CNN Philippines na ang isipan ng kampo ni Marcos ay nakatutok tungo sa halalang 2022 simula pa nitong Enero 1. Ikinasa na ‘yan bago pa man magpasya si Associate Justice Marvic Leonen na ilabas sa wakas ang kanyang ponente hinggil sa protestang…

Read More

PINAS NAPAG-IIWANAN SA FACE-TO-FACE CLASSES

TANGING ang Pilipinas na lamang ang naiiwan sa mga bansa sa Southeast Asia na hindi pa bumabalik sa face-to-face classes. Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, ito ang sinabi sa kanya ng UNICEF sa pakikipagpulong niya rito kamakailan. Ayon sa Kalihim, ang face to face sa ibang bansa ay “contextualized” kung saan may iba aniya na may isang oras sa isang linggo habang ang iba naman ay dalawang araw. Depende aniya sa situwasyon. ‘Pero tayo na lang ang talagang.. hindi pa natin pinapayagan ang face-to-face dahil nga…

Read More

MGCQ sa Marso ikinakasa LOCALIZED LOCKDOWN IREREKOMENDA

KUMBINSIDO ang National Economic Development Authority (NEDA) na ang paggamit ng localized lockdown ay mabuting pamamaraan para mapigilan ang pagkalat ng corona virus habang nakabukas ang ekonomiya ng bansa. Ayon kay NEDA Chief Karl Chua, hindi naman nangangahulugan na kapag binuksan na ang ekonomiya ay babalewalain na at isasantabi ang pananatili ng pandemya. “So hindi po naman natin sinasabi na ibukas lang natin ‘yong ekonomiya at huwag na nating pakialaman ‘yong covid cases kailangan po natin both. At nakita po natin na nagbukas po tayo last October at ‘yong dumaan…

Read More

Pag-aaral nais padaliin ni Rep. Nograles EASY ACCESS SA KABATAANG PWDs

KAAKIBAT ng layuning matulungan sa kanilang pag-aaral ang mga batang kabilang sa persons with disabilities (PWDs), namahagi si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ng aabot sa 200 digital tablets kamakailan. Personal na inabot ng mambabatas ang mga tablet sa mga estudyanteng PWD. “Alam natin na napakaraming pagsubok ngayon na hinaharap ng mga batang may kapansanan sa kanilang online o distance learning,” ayon sa bagitong mambabatas. “Kaya patuloy tayong nakaagapay sa ating mga PWD upang masigurado ang kanilang patuloy na pag-aaral,” dagdag pa nito. Plano ni Nograles na palawigin at…

Read More

SINDIKATO NG FAKE COVID VAX TUGISIN

HINILING ni Senador Nancy Binay sa Philippine National Police (PNP) na maglunsad ng malawakang pagtugis sa sindikato at grupong kriminal na gumagawa at nagbebenta ng pekeng bakuna sa halip na pagtuunan ang “perceived threats.” Sa pahayag, umapela rin si Binay sa PNP na maging maingat sa kanilang oversight sa pangangalap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa ilegal na pagbabakuna, clandestine vaccination clinics, manufacturing at pagbebenta ng pekeng COVID-19 vaccines. “Instead of spending time questioning innocent individuals, pursuing false leads and chasing phantoms, bakit di na lang habulin yung mga sindikatong nagkakalat…

Read More

NASUNUGANG PAMILYA SA TUMANA BINIGYAN NG CONSTRUCTION MATERIALS

NABIYAYAAN ng mga gamit para makapagpatayo ng tirahan ang nasa 28 pamilyang nasunugan sa Barangay Tumana, Marikina City. Pinangunahan ni Taguig Pateros Congressman Alan Peter Cayetano ang Powerful Group ng Kongreso na BTS o Balik sa Tamang Serbisyo sa pamamahagi ng semento, yero, hollow blocks at iba pang gamit sa pagpapatayo ng 20 semi-bungalow houses para sa mga biktima ng sunod kamakailan. Kabilang sa umasiste kay Cong. Cayetano sina Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, Bulacan Congressman Jonathan Alvarado at Laguna Cong. Dan Fernandez habang hindi naman nagpakita sa ginawang turnover…

Read More

Olympic gold medal posibleng masungkit ni EJ Obiena – PATAFA

KUNG ang boksing ay mayroong Eumir Marcial na may pinakamataas na pagasa para mabigyan ang bansa ng Olympic medal sa darating na XXXIII Games sa Hulyo hanggang Agosto, pwedeng ­idagdag si pole vaulter Ernest John ­Obiena sa listahan ng mga posibleng makapaguwi ng ­inaasam na ginto mula sa Tokyo. Katunayan, kung paniniwalaan si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico, hindi lamang basta Olympic medal ang kayang bitbitin ng 25-anyos na si Obiena sa pagbabalik niya sa Pilipinas mula Tokyo. “Kahit ang halos 100 taon nating…

Read More

OFW NA TAPOS NA KONTRATA AT MAY KARAMDAMAN AYAW PA RIN PAUWIIN

DUMULOG sa AKOOFW ang ating kabayani na si OFW Cielo Sabando upang humingi ng tulong na siya ay masaklolohan. Kasalukuyan na siya ay nasa Riyadh, Saudi Arabia at nakarating sa naturang bansa sa pamamagitan ng Hopewell Overseas Manpower Network, Inc. Sa kanyang mensahe na ipinarating sa akin ay sinabi niya na siya raw humihingi ng tulong sa kadahilanan na ang kanyang operasyon sa bituka ay muli na namang sumasakit at wala raw siyang kakayahan na magtungo sa doctor para magpagamot. Kasalukuyan na siya ay nasa loob mismo ng POLO Shelter…

Read More

ISAILALIM ANG BANSA SA MGCQ

PABOR ako sa kahilingan ng National Economic and Development ­Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay na ang buong bansa sa modified ­general community quarantine (MGCQ) simula sa Marso 1. Ang katwiran ng NEDA ay kailangang paluwagin na ang umiiral na GCQ upang sumulong at makabawi ang ekonomiya. Ganito rin ang posisyon ni Presidential Consultant for ­Entrepreneurship Joey Concepcion dahil kumbinsido siyang higit na mahihirapang makabangon ang ekonomiya ng bansa kung mananatili sa GCQ ang limitasyong ideneklara ni Duterte ilang buwan na ang nakalipas hanggang kasalukuyan. Naniniwala ako kina…

Read More