19 MOST WANTED SA BATANGAS, TIKLO

BATANGAS – Arestado ang 19 na wanted persons dahil sa iba’t ibang kaso, sa isinagawang tatlong araw na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Batangas Police Provincial Office BPPO noong Enero 21, 2022. Kabilang sa inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Taysan at Pagbilao Municipal Police Stations sina Ralf Michael Villegas at Lecer Tacuyan na kapwa kabilang sa most wanted person-regional level rank 5 at 6 dahil sa kasong murder. Kasong rape at lascivious conduct naman ang kinahaharap ng suspek na si Rodolfo Guevarra habang si Mark Jhayson Gamban…

Read More

LOLA, 3 PANG SALISI TINUTUGIS NG PULISYA

CAVITE – Puntirya ng manhunt operation ng Cavite Police ang isang 64-anyos na lola na miyembro umano ng Salisi gang at pabalik-balik na sa kulungan dahil sa kahalintulad na kaso, at tatlong kasapakat nito matapos salisihan ang dalawang kababaihan sa loob ng shopping mall sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Kinilala ng mga biktimang sina Ansherina Mae Gamores y De Los Santos, call center agent, at Bea Joy Marquez y Pineda, project assistant ng Department of Science and Technology (DOST), ang suspek sa pamamagitan ng Rogues Gallery na si…

Read More

Eumir Marcial, naghahanda na sa mga laban sa 2022

DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang panuntunang palaging sinusunod ni Tokyo Olympic Games bronze ­medalist Eumir Marcial simula pa noong siya’y nasa amateur hanggang maging propesyunal na boksingero. Kaya hindi katakatakang lumipad agad siya noong Miyerkoles patungong Amerika upang paghandaan ang mahahalagang labang haharapin niya ngayong taon – ikalawang pro boxing fight niya sa Abril, 31st Southeast Asian Games sa Mayo, at Asian Games sa Setyembre. Nadala sa karanasang nalasap niya sa pananalasa ng COVID-19 pandemic, na nagsilbing hadlang sa kanyang preparasyon sa Olimpiyada at misyong handugan ang bansa…

Read More

MAGSAYO BINATI NI PACQUIAO

ISA si retired eight division world champion Manny Pacquiao sa mga unang bumati kay new Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo. “Congratulations @markmagsayo_MMM on your first world championship! Thank you for ­bringing honor to our country by becoming the latest Filipino world boxing champion. Welcome to the club,” post ni Pacquiao sa kanyang Twitter account, ilang minuto matapos maagaw ni Magsayo ang titulo ni Gary Russell Jr. Umangat ang record ni Magsayo sa 24-0 panalo-talo at 16 knockouts, at naging ika-limang Pilipinong ­kampeon sa mundo. Ang apat na…

Read More

Mark ‘Magnifico’ Magsayo: BAGONG HARI NG WBC

MAKALIPAS ang siyam na taon, natupad na ni Mark ‘Magnifico’ Magsayo ang kanyang pangarap. Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Borgata Event Center sa Atlantic City, New Jersey, inagaw ng 26-anyos na si Magsayo ang World Boxing Council (WBC) featherweight crown sa pamamagitan ng majority decision laban kay Gary Russell Jr. Dalawang judge ang nagbigay kay Magsayo ng iskor na 115-113, habang ang ikatlong judge ay nagbigay ng 114-114. “This is my dream come true, pangarap ko ito mula pa noong bata ako,” sambit ni Magsayo matapos ang laban.…

Read More

OKC NAISAHAN NG CAVS

MULING inakay ni Darius Garland, may 23 points at 11 assists, ang host Cleveland Cavaliers tungo sa 94-87 win kontra Oklahoma City Thunder, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila). Nakapagtala si Garland ng at least 20 points at 10 assists sa ikaapat na sunod na laro. Naglista si rookie Evan Mobley ng 15 points at season-high 17 rebounds sa ikaanim na panalo ng Cleveland sa pitong laro. Nag-ambag din si Jarrett Allen ng 14 points at 13 rebounds. Ito ang ikalimang sunod na kabiguan ng Thunder at pang-12 sa huling…

Read More

MALALIM ANG KASAYSAYAN NG SABONG

NAPAKALALIM ng kasaysayan ng sabong. Kumbaga, noong antigong panahon pa talaga ito. Kahit ang ating mga kalolololohan, alam ito. Sa ibang bansa, ganito rin ang kalakaran. Tinatangkilik ito nang husto. Katunayan, may mga aklat pa nga na naisulat tungkol dito. Sa Java, Indonesia, isang aklat na pinamagatang Nargara-Kertagama ang nasulat bilang isang papuri sa Haring Shri ­Hayam Ragen Tetep. Ang kahulugan daw nito ay “ang Bunying Batik-Batik na maginoong Tandang na Magmamanok”. Sinasabing ang bansag ng haring pinag-alayan ng aklat ay batay sa kaugalian ng panahong iyon na nagtataglay ng…

Read More

BANAT KAY BBM WA EPEK SA TAUMBAYAN

SINAMANTALA ng ilang kalaban sa pulitika ni presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na batikusin ito sa social media sa naging pagtanggi nito sa isang presidential interview sa programa ng isang popular tv host. Iginiit naman ng kampo ni BBM na ang pagtanggi nila sa panayam ay hindi para sa mamamayang Filipino kundi para sa iisang tao lamang na isa umanong biased at posibleng maimpluwensyahan ng ilang kandidato upang magamit ang programa. Nakakalungkot isipin na ang ilan ay sinamantala ang pagkakataon na butasan si Marcos dahil dito upang ­siraan sa…

Read More

LABANAN ANG VACCINE HESITANCY AT MGA ANTI-VACCINATION INFO

ISANG taon magmula nang simulan ng pamahalaan ang programa nito sa pagbabakuna ay ganap na nating nasaksihan ang benepisyo nito nang makita natin ang pagbaba ng arawang kaso, ilang buwan bago matapos ang taong 2021. Sa kasalukuyan, nasa 122 milyong dosage na ng bakuna ang naipamahagi ng pamahalaan samantalang ang bilang ng nakatanggap na ng full vaccination ay nasa 56.8 milyon o 52 porsyento na ng ating populasyon. Isa itong maituturing na welcome development sapagkat sa patuloy na kampanya ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagbabakuna ay mas dumarami…

Read More