P84-M MEGA LOTTO JACKPOT, NATUMBOK SA CUBAO

NAHAGIP na ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 matapos mahulaan ng maswerteng mananaya ang winning combination, ayon kay PCSO General Manager at Vice-Chairperson Melquiades “Mel” Robles. Ang swerteng ticket ay nabili sa Lucky Circle Corporation sa SM Cubao Department Store, Araneta Center, Quezon City. Nahulaan nito ang kombinasyon na 29-22-25-37-41-34, na nagbigay sa may-ari ng premyong P84,182,510.00. Samantala, 18 indibidwal ang nakakuha ng limang kombinasyon at tig-P32,000 bawat isa. Binobola ang MegaLotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes. Hindi naman nahulaan ang kasabay na draw ng GrandLotto 6/55, na may…

Read More

LAHAT NG SANGKOT SA FC SCAM MAKUKULONG – REMULLA

“LAHAT sila makukulong,” pagtitiyak nitong Huwebes ng Department of the Interior and Local Government tungkol sa mga akusado sa multi billion flood control scandal sa DPWH. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, desidido ang pamahalaang Marcos na ipakulong ang lahat ng may sala sa floodgate scam. Tutugisin sila at pananagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon lalo na ang mga sabit sa flood control anomaly. “Makakaasa kayo na ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hindi umaatras sa hamon na ang mali, nagkamali at nagnakaw, lahat…

Read More

‘TRILLION PESO MARCH’ PINAGHAHANDAAN NG PNP, AFP

KAPWA pinaghahandaan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang ikinakasang Bonifacio Day “Trillion Peso March” sa darating na Nobyembre 30, dahil inaasahang mas malaking grupo umano ang posibleng dumagsa kumpara sa nakaraang September 21 rally, sa layuning masiguro ang kaayusan, kapayapaan at kaligtasan ng mga lalahok. Hiniling ng pamunuan ng PNP at maging ng AFP, sa rally organizers na bantayan ang kanilang hanay para masiguro ang disiplina at walang karahasang magmumula sa mga makikilahok. Sinabi ni AFP spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla. “We are asking rally…

Read More

PUGANTENG TAIWANESE ARESTADO SA CRUISE SHIP

ARESTADO ang isang Taiwanese national at dating mamamayan ng Estados Unidos, matapos maharang sakay ng MV Star Navigator, habang naglalayag mula Kaohsiung, Taiwan papuntang Pilipinas. Kinilala ang naaresto na si Tsai Chin Hao, 54, may Interpol alert at may nakabinbing warrant of arrest sa Estados Unidos, dahilan upang ituring siyang pugante sa batas. Matapos kumpirmahin ng BI INTERPOL Unit, isang walong-kataong team ng immigration officers mula sa BI Bay Service Section, ang nagsagawa ng boarding at immigration formalities sa MV Star Navigator na na-detect nila ang pagpasok sa teritoryo ng…

Read More

2026 DOT BUDGET APRUB SA SENADO

APRUBADO na ang panukalang budget ng Department of Tourism (DOT) at attached agencies nito para sa 2026 fiscal year. Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2026, ang DOT ay may proposed budget na P3.718 bilyon para sa ahensya. Ilalaan ang P3.19 bilyon para sa Office of the Secretary habang ang attached agencies nito kabilang ang Intramuros Administration, National Parks Development Committee, at Philippine Commission of Sports Scuba Diving, ay magkakaroon ng P159 milyon, P320 milyon at P44.9 milyon, ayon sa pagkakabanggit. Inihayag ni Senate Deputy Majority Leader…

Read More

WALKTHROUGH SA RUTA NG TRASLACION, ISINAGAWA

BAGAMA’T may panaka-nakang pag-ulan nitong Martes ng umaga, itinuloy pa rin ang Walkthrough para sa ruta ng Traslacion 2026. Bandang alas-5 ng umaga nang simulan ang aktibidad sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan doon magsisimula o manggagaling ang imahe ng Nazareno sa Enero 9, 2026. Tatahakin ang ruta ng Traslacion hanggang sa simbahan ng Quiapo. Kasama sa Walkthrough ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo at ilang opisyal ng ahensya ng pamahalaan. Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Nazareno 2026. Ang pangunahing layunin nito ay upang tiyakin…

Read More

ENGR. ABAGON NAHULI SA BAHAY NG ORIENTAL MINDORO VICE MAYOR

KINUMPIRMA ni DILG Secretary Jonvic Remulla na sa bahay mismo ng bise alkalde sa Bansud, Oriental Mindoro naaresto si Engr. Dennis Abagon, isa sa mga akusado sa flood control scam nitong Linggo ng umaga. Ayon kay Remulla, malinaw na natukoy ng mga awtoridad na ang property ay pag-aari ng bise alkalde. Patuloy na iniimbestigahan ng NBI at DILG ang tunay na dahilan at “nature” ng pananatili ni Abagon sa lugar. Naaresto si Abagon ng NBI sa Quezon City matapos mabigo ang service of warrant sa kanyang dating address sa Cavite.…

Read More

MOMAY ISAMA SA BIKTIMA NG AMPATUAN MASSACRE

SA paggunita sa ika-16 anibersaryo ng Ampatuan Massacre, isang petisyon ang inihain kahapon sa Court of Appeals (CA) para isama si Reynaldo “Bebot” Momay bilang ika-58 biktima ng pamamaslang noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao. Sa Manifestation with Urgent Motion for Resolution and Motion to Correct Clerical Errors na inihain ni Atty. Gilbert Andres, iginiit niyang dapat agad resolbahin ng CA ang apela ng pamilya Momay matapos hindi ito kilalanin sa listahan ng mga nasawi sa Maguindanao massacre. Kinuwestiyon din niya ang partial decision ng Quezon City RTC Branch 221…

Read More

HEPE, 14 PULIS SIBAK SA CAVITE

KINUMPIRMA ni PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na sinibak sa puwesto ang commander ng PNP Drug Enforcement Group–Special Operations Unit ng CALABARZON dahil sa command responsibility, kasunod ng pagnanakaw at panghahalay umano ng kanyang mga tauhan sa bahay ng isang Grade 9 student sa Bacoor, Cavite. Kasama ring ni-relieve ang 14 na suspek, kabilang ang walong naaresto sa loob mismo ng Camp Vicente Lim, ang kanilang team leader na may ranggong Police Lieutenant, habang anim pa ang nananatiling at-large. Inaresto ang mga suspek ng Bacoor PNP noong Linggo ng madaling…

Read More