BENEPISYO NG 3M SSS MEMBERS MAGLALAHO

AABOT sa tatlong milyong kasapi ng Social Security System (SSS) ang posibleng hindi pakinabangan ang kanilang mga benepisyo kung patuloy silang hindi magbabayad ng buwanang kontribusyon.

Inilabas ito ng mismong pangulo at chief executive officer ng SSS na si Aurora Ignacio kasabay sa pagkumpirma na itinuloy ng ahensiya ang 13 porsiyentong buwanang hulog ng mga miyembro simula noong Enero 1 ng kasalukuyang taon.

Higit itong mataas mula sa 12% sinisingil sa mga kasapi.

Sa 13%, ang hatian dito ay 4.5% sa bahagi ng manggagawa o empleyado, at 8.5% sa parte ng kapitalista.

Ang pinakabagong umento ay nakabatay sa Republic Act No. 11199.

Ayon kay Ignacio, upang huwag tuluyang mawala ang mga benepisyo ng mga kasapi tulad ng ayudang salapi sa pagpapaospital, pensiyon kapag nagretiro at iba pa ay nararapat lamang ipagpatuloy ng mga ito na bayaran ang kanilang buwanang pananagutan sa SSS.

Ang 3 milyong ‘tagilid’ ang mga benepisyo ay ang mga miyembrong natigil ang pagbabayad sa SSS nitong nakaraang taon dulot ng tanggalan sa trabaho bunsod ng hagupit ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) sa maraming uri ng negosyo.

Idiniin ni Ignacio na ang paghuhulog sa SSS ay maituturing na buwanang “savings” ng mga manggagawa at “investment” para sa kanilang kinabukasan.

“We understand that times are difficult right now but continuing your membership with SSS is one of the most practical decisions that you can make for yourself and your family. Consider your SSS contributions as savings for today and an investment for your future,” paliwanag ni Ignacio. (NELSON S. BADILLA)

147

Related posts

Leave a Comment