TILA ipinamukha ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng gobyernong Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.
Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance sa bawat indibidwal o apat na libong piso para sa bawat pamilyang Pilipino na nasa ilalim ng ECQ.
Aniya, nandyan naman ang DSWD na patuloy na nagpapatupad ng regular social welfare services nito kagaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Sinabi pa ni Sec. Roque na tumutugon din ito sa pangangailangan ng mga mahihirap na filipino gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa.
Bukod dito, mayroon din aniyang resource augmentation mula naman sa LGUpara sa family food packs at naririyan din ang 4Ps. (CHRISTIAN DALE)
