DINE-IN SERVICES SA MM PARA LANG SA BAKUNADO

PAPAYAGAN na ang dine-in services sa Metro Manila ngunit ito ay para lamang sa mga indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kasabay ng pagsasailalim ng Metro Manila sa alert level 4 ngayong araw, Setyembre 16 ay papayagan na rin ang limitadong operasyon sa mga restaurant at fast foods.

Sa ilalim ng alert level 4 system, 10% lamang ang papayagang kapasidad sa dine-in operations at kinakailangang magpakita ng kanilang vaccination card ang mga kostumer.

Maaari pa ring kumain ang mga hindi bakunado ngunit limitado sila sa al-fresco dining sa 30% kapasidad.

Samantala, iniulat ng OCTA Research Group na bahagya pang bumaba ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila sa linggong ito.
Nabatid na patuloy ang pagtatala ng average na mahigit 5,000 COVID-19 cases kada araw, ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni David na ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) ay nasa 1.34 na lamang ngayong linggong ito, o pagbaba mula sa dating 1.39 nitong nakalipas na pitong araw.

152

Related posts

Leave a Comment