HIDILYN DIAZ HIHIRIT PA NG 1, MATAPOS KUMOLEKTA NG 3 GINTO SA ITALY

0

ISA pang kompetisyon ang lalahukan ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz upang tuluyan na siyang makakuha ng tiket sa 2020 Tokyo Olympics.

Hindi lang para kay Diaz, kundi maging kay John Fabuar Ceniza, na humablot ng bronze medal noong Martes sa Italy sa men’s 61-kg mula sa 152 kgs sa clean and jerk at 117 kgs sa snatch para sa kabuuang 269 kgs.

Ayon kay Samahang Weightylifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, anim na kompetisyon ang dapat salangan ng bawat lifter bago tuluyang makapasok sa Tokyo Games.

“One more to go. Not only for Hidi, but for everyone,’’ komento ni Puentevella

Si Diaz, gold medal winner sa nakaraang 30th SEA Games, ay kumuha ng tatlong gold medal sa snatch (93 kg) and clean and jerk (119 kg) events for a 212 kgs total sa ginaganap na Weightlifting World Cup sa Italy, na nagpataas sa kanyang rankings.

Gayunpaman, balewala ang mga ginawa ni Diaz sa women’s 55-kilogram category hangga’t hindi aprubado ng International Weightlifting Federation (IWF) ang kanyang achievement.

“More or less, Hidi (Diaz) is already qualified, but our lifters need six events to make it [to Tokyo],’’ wika pa ni Puentevella. “It is the requirement of the IWF, after which the qualifiers will be declared.”

Si Diaz at iba pang Pinoy lifters ay darayo sa Nur-Sultan, Kazakhstan para sa final qualifying tournament, ang 2020 Asian championships sa Abril 16-25.

Matapos ang nasabing qualifiers, ang top eight lifters ang papangalanan ng IWF para sa Olympics.

Kasabay nito, todo-suporta namana ng Philippine Sports Commission sa kampanya ni Diaz.

“We are supporting her in her efforts to qualify for the Olympics. She is one of those athletes on whom we are anchoring our dreams for Olympic gold. Congratulations Hidilyn!” pahayag ni PSC chairman William Ramirez. “We are very proud of her. We expected no less because we see her training and we know she can.” (VT ROMANO)

MAS MATINDING JUEGO TODO

MAS matinding bakbakan sa Juego Todo ang maaasahan ng Pinoy mix martial arts fans sa mga darating na araw.

Ito ng tiniyak ni Underground Battle Mixed Martial Arts (UGB MMA) founder Ferdie Munsayac sa kanyang pagbisita sa 53rd Usapang Sports ng Tabloids Organization ni Philippine Sports (TOPS) kahapon.

“Ang Juego Todo, na isang weaponized cage fighting na unang ipinakilala natin dito sa bansa noong 2014,  ay nagpakita ng angking kakayahan ng mga Filipino fighter,” pagbabahagi ni  Munsayac sa forum na lingguhang ginaganap sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“We did it in Sta Ana, Cagayan and produced our first champion in Genil Francisco last Dec. 20. But we don’t want to stop from there,” dagdag ni  Munsayac, na umaasang lalo pang makahihikayat ang mas maraming fighters mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pagmamalaki pa niya, may angking galing sa Juego Todo ang mga local fighter dahil ang sport na ito ay hybrid Filipino martial arts ng ating mga ninuno.

“Juego Todo is like bringing in the modern-day Filipino gladiators, or the arnisadors as we know them, and putting them in the modern-day arena, which is called octagon in the MMA,” paliwanag ni Munsayac, na isang retired United States Navy chief petty officer na mas lalong kilala sa tawag na “Papa Goat” sa local at international MMA community.

“This year, we will stage juego todo competitions in Metro Manila and we are inviting interested fighters to join in our qualifying tournament scheduled in April,” pagbabahagi pa niya sa Usapang Sports na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.  (DENNIS INIGO)

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment