P30-M UNREGISTERED VAPE PRODUCTS NASAMSAM SA LAGUNA

LAGUNA – Tinatayang P30 milyong halaga ng hindi rehistradong vape products ang nasamsam ng mga tauhan ng NBI-Special Task Force (NBI-STF) sa Biñan City, Laguna.

Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Kert Lester Simbajon, Javer Dirampatun, at Romeo Cada dahil sa paglabag sa Section 4(d) at 18 ng Republic Act No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), at Section 8 ng R.A. No. 11900 in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Ang operasyon ay resulta ng isinagawang cybercrime monitoring and surveillance efforts ng NBI-STF agents sa iba’t ibang social media platforms. Dito ay nagdiskubre ng mga ahente ang importasyon, pagbebenta at distribusyon ng illegal vapor products sa Cavite at Laguna. Sa pamamagitan ng Open-Source Intelligence (OSINT) and Human Intelligence (HUMINT), natukoy nila ang mga indibidwal na responsible sa ilegal aktibidad.

Nagsagawa ang NBI-STF ng surveillance and test-buy operation sa Hype Vape Shop sa Bacoor Boulevard, corner NIA Road, Bacoor, Cavite via online transaction at nagawang makipagtransaksyon sa isa sa mga suspek.

Nakumpirma nilang ang nasabing establisyemento ay sangkot sa ilegal na pagbebenta ng unregistered vape products nang walang kaukulang BIR tax stamps at DTI registration

Nagkasundo ang undercover agent at ang mga suspek na magkita sa coffee shop sa Muntinlupa City para sa delivery ng nasabing unregistered vape products.

Noong Hulyo 7, 2025, ang mga ahente ng NBI-STF, kasama ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI), ay nagtungo sa pinagkasunduang lugar sa Sta. Rosa, Laguna na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang 40,500 pieces ng vape products na P31,995,000 ang halaga, at 3,880 pieces ng vape pods na P640,200 ang halaga.

(RENE CRISOSTOMO)

27

Related posts

Leave a Comment