BAYANING PULIS PARARANGALAN SA SENADO

0

(NI NOEL ABUEL)

PARARANGALAN sa Senado ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nagpakita ng tapang at dedikasyon sa tungkulin at pag-alay ng sariling buhay ang isa sa mga ito  para masagip ang mga inosenteng sibilyan.

Nagkakaisa sina Senador Sonny Angara at Senador Christian Lawrence Go, na bigyan ng pagkilala ang dalawang pulis dahil sa ipinamalas na katapangan at hindi pagdadalawang-isip na ialay ang buhay tulad ng isinasaad ng tungkulin ng mga  ito.

Ayon kay Go, nakatakda nitong ihain ang isang Senate resolution sa Lunes, Disyembre 9, para kilalanin ang nasabing mga pulis dahil sa ‘exemplary courage and heroism’.

Kabilang dito si Police Senior Master Sergeant Jason Magno, na nasawi matapos  gamitin ang sariling katawan para hindi madamay ang mga estudyante sa sumabog na granada sa Initao College sa bayan ng Initao, Misamis Oriental.

“Master Sergeant Magno responded to the call of duty to protect the lives of civilians. Without thinking of his own safety, he used his body to cover the grenade, saving more lives but tragically losing his own in the process,” sabi naman ni Angara.

Samantala, personal na tinungo nina Pangulong Rodrigo Duterte at Go ang lamay ni Magno kung saan binigyan ito ng President posthumous award na Order of Lapu-Lapu Magalong Medal na ibinigay sa pamilya nito.

Maliban dito ay binigyan din si Magno ng PNP Medal of Valor o Medalya ng Kagitingan kung saan nakatanggap ang pamilya nito ng financial assistance.

Tinungo rin nina Duterte at Go ang kinalalagyan ng isa pang pulis na si Police Senior Master Sergeant Alice Balido na kabilang din sa nasugatan sa nasabing insidente na pinagkalooban ng Order of Lapu-lapu Kampilan Medal at financial assistance mula sa Office of the President.

 

Read More

PONDO SA MGA BAGONG BATAS TINIYAK

0

(NI DANG SAMSON GARCIA)

TINIYAK ni Senador Sonny Angara na mabibigyan ng sapat na pondo sa susunod na taon ang mga bagong batas na inaprubahan ng Kongreso at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aminado si Angara, chair ng Senate Committee on Finance, na walang saysay ang mga bagong batas kung hindi naman ito mabibigyan ng sapat na pondo para sa implementasyon.

Kabilang na rito ang Republic Act 11194 o Conservation of the Gabaldon School Buildings Act  na nilagdaan ng Pangulo noong Enero.

Sa ilalim ng 2020 General Appropriations Bill, naglaan ang Senado ng P616 million para sa implementasyon ng bagong batas at inilagay ito sa Department of Education.

“These structures are considered part of Filipino heritage. They represent the roots of the public school system in the country. We must strive to preserve these buildings for the next generations to see and appreciate,” paliwanag ni Angara.

Nabatid na nasa 3,000 Gabaldon school buildings ang ipinatayo noong panahon ng mga Amerikano sa bansa at sa ngayon ay nasa 1,400 ang patuloy na  nakatayo.

Idinagdag pa ni Angara na naglaan din sila ng P1 bilyon para sa Republic Act 11230 o Tulong Trabaho Act na nilagdaan noong Pebrero.

Alisunod sa batas, magbibigay ang Technical Education and Skills Development Authority ng libreng Technical Vocational Education and Training (TVET) sa mga out-of-school youth at unemployed.

“Daan-daan, kung hindi libu-libo na, ang nagtagumpay sa tulong ng TESDA kaya nararapat lang natin na suportahan ang batas na ito,” diin ni Angara.

Kasama rin sa pinondohan ang Republic Act 11459 o Judges-at-Large Act that na pinirmahan noong Agosto.

Ang P2.5 bilyong pondo ay gagamitin sa 50 new judges-at-large positions kasama ang 30 sa regional trial courts at 20 sa metropolitan trial courts.

“Justice delayed is justice denied so when we introduced this measure in the 17th Congress, our aim was to help clear up the court dockets by providing more judges to hear the cases,” giit ni Angara.

Naglaan din sila ng pondo para sa National Economic and Development Authority na laan naman sa pagbalangkas ng Innovation Fund sa ilalim ng Republic Act 11293 o Philippine Innovation Act.

Hinihikayat sa batas ang promosyon ng technological advancement upang palakasin ang competitiveness ng ekonomiya sa pamamagitan ng micro, small at medium enterprises.

Suportado rin ng pondo ang pagpapatupad ng Republic Act 11036 o Mental Health Act na nilagdaan noong June 2018 para sa pagkakaroon ng mental health hotline.

 

Read More

PONDO NG DEPED, CHED, DOH NANGUNA SA P4.1-T NAT’L BUDGET

0

(NI NOEL ABUEL)

MALAKING pondo ang inilaan ng Senate finance committee sa mga ahensya ng pamahalaan sa edukasyon, at kalusugan.

Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng nasabing komite kung saan kasama sa binigyan ng malaking pondo ang Commission on Higher Education (CHED) para sa Student Financial Assistance Program na nasa P8.5 bilyon.

Kahalintulad ding halaga ang idinagdag sa susunod na taon sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Dinagdagan din ang pondo para sa state universities and colleges (SUCs) at sa UP System na nasa P116 milyon.

“Naglaan din tayo ng P167 million para magkaroon ng cash grants ang ating mga medical scholars sa mga SUCs,” sabi ni Angara.

Sinabi nito na nagkaroon ng ‘bi-partisan consensus’ para madagdagan ang pondo para sa pagsasaayos ng mga eskuwelahan na nasira ng nakalipas na lindol, gayundin ang  pagkakaloob ng pondo sa school vouchers, free college, school feeding, at tulong sa mga indigent patients, at ang pagpapadala ng Pinoy nurses, doctors sa malayo at mahirap na lugar sa bansa.

Nagkasundo rin sina Senador Pia Cayetano at Senador Ralph Recto, na dagdagan ang pondo ng DepEd na nasa P6.2 bilyon na naglalayong mapigilan ang pagbaba ng bilang ng mga senior high school students gamit ang government vouchers.

Naglaan din ng pondo para sa health expenditures na nasa P9.439 bilyon na magagamit ng mga mahihirap na pasyente sa pribado at pampublikong ospital sa bansa.

At upang maiwasan ang mass layoff ng mga nurses, doctors, midwives at iba pang health professionals sa malalalayong lugar ay nagkasundo ang mga senador na paglaanan ng P7 bilyon para sa suweldo ng mga ito hanggang sa taong 2020.

“We are also funding affordable but critical medical projects, like a 24-hour Mental Health Hotline to be manned by qualified health professionals,” ani Angara.

Samantalang sa panig ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), paglalaanan ito ng P108.7 bilyon.

Pinasalamatan ni Angara si Senador Imee Marcos sa suporta nitong dagdagan ang pondo ng Supplementary Feeding Program  ng DPWH na mula sa P3.6 bilyon ay naging P6.6 bilyon para mapakain ng masustansyang pagkain ang mga pre-school, kindergarten at public day care centers.

 

Read More

DAGDAG NA SOCIAL WELFARE ATTACHE, IGINIIT

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KINALAMPAG ni Senador Sonny Angara ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magtalaga ng mga dagdag na social welfare attache sa ibayong dagat upang maasikaso ang kapakanan ng mga manggagawang Pinoy.

Ayon kay Angara, araw-araw maraming Overseas Filipino Workers ang inaabuso sa iba’t ibang bansa.

Noong Abril, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11299 para sa pagtatayo ng  Office for Social Welfare Attache kayat napunan na ang mga posisyon sa  Malaysia/Brunei; Jeddah; Riyadh; Kuwait; Hong Kong; Qatar; at Dubai.

Iginiit ni Angara na dapat punan ang mga posisyon sa Jordan; Lebanon; South Korea; Italy; at United Arab Emirates.

“I have been pushing for the deployment of more Social Welfare Attaches (SWA) in order to provide our OFWs with the assurance that its government cares about them, particularly when they are in distress,” saad ni Angara.

“Every year our OFWs have been remitting billions of dollars back home to their families and this has consistently provided an invaluable boost to our economy. This is why we should be there for them when they need us the most,” dagdag nito.

Noong 2018, umabot sa $32.2 bilyon ang personal remittances ng OFWs habang sa unanh walong buwan ng taon, naitala na ito sa $22 bilyon.

Read More

2019 BUDGET IPINAGAGAMIT NA SA AHENSIYA NG GOBYERNO

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang mga ahensya ng gobyerno na gastusin na ang kanilang mga natitira pang pondo ngayong taon upang makumpleto ang mga mahahalagang infrastructure at social projects.

Ito ay upang makamit ng bansa ang target nitong paglago ng ekonomiya para sa taong 2019.

Ginawa ni Angara ang panawagan bilang tugon sa pahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na halos 96 percent na ng P3.662 trilyong national budget ngayong taon ang nailabas na sa pagtatapos ng Setyembre.

Itinakda ng economic managers sa 6 hanggang 7 percent ang growth target ngayong taon subalit dahil sa naantalang budget approval at delay sa implementasyon ng mga proyekto, malaki ang posibilidad na maibaba ito.

Hinimok ni Angara ang lahat ng ahensya ng gobyerno na doblehin ang kanilang pagsisikap upang maibigay sa taumbayan ang nararapat na serbisyo at pagbutihin ang paggatos sa nalalabing dalawang buwan ng taon.

“It’s not just infrastructure but also on the delivery of social services that have faced delays. For the poor families, every bit of help they can get from the government means a lot to them and goes a long way to making ends meet. We should do everything to make sure our people don’t feel shortchanged by the government,” saad ni Angara.

Sa tala ng Department of Finance, umabot na sa 92% ang infrastructure spending habang ang total disbursements ay nasa 98 percent.

Iginiit ni Angara na ang paggastos sa imprastraktura ay magbibigay ng trabaho sa iba’t ibang industriya at magpapalakas ng economic growth.

Bumagal sa 5.5 percent ang economic growth noong second quarter dahil sa delay ng pagpapasa ng national budget subalit tiwala ang economic managers na muli itong babalik sa 6 percent noong third quarter.

Read More

MOTORCYLE-FOR-HIRE GAWING LEGAL — SOLON

angkas55
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IGINIIT ni Senador Sonny Angara na gawin nang legal ang motorcycle for hire sa gitna ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Angara na malaking tulong para sa mga commuters ang mga motorcycles-for-hire o ‘habal-habal’ para sa kanilang pagtungo sa kanilang mga destinasyon.

Sa ngayon aniya maituturing pa ring iligal ang motorcycle-for-hire sa ilalim ng Land Transportation and Traffic Code, na sumasaklaw sa registration at operation ng lahat ng motor vehicles.

“Commuting in Metro Manila has become very challenging. A typical commuter has to allocate at least two hours to get to work or school and that is if their regular modes of transport are available. What if the MRT breaks down? Kulang pa ang 2 oras mo sa byahe,” saad ni Angara.

“Tulad nitong nangyari sa LRT-2 na nasunog. Libo libong Pilipino ang naperwisyo nito at karamihan sa kanila ay habal na ang sinasakyan para mas mabilis makarating sa destinasyon nila at mas mura din ito kumpara sa Grab,” dagdag ng senador.

Sa ilalim ng Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code, pinapayagan ang rehistro ng mga motorsiklo bilang pribado o gamit ng gobyerno subalit pinagbabawal na maging for hire.

“However, individuals and even unaccredited transport groups, continue to utilize motorcycles for public transport despite explicit prohibition of such operation under the same law,” giit ng mambabatas.

“The demand for this service simply cannot be ignored, which is why I have filed a bill seeking to legalize the operation of motorcycles-for-hire,” diin pa nito.

Alinsunod sa Senate Bill 1025 ni Angara, aamyendahan ang Land Transportation and Traffic Code upang payagan ang mga motorsiklo na mairehistro bilang ‘for hire’ subalit limitado sa minimum engine displacement na 125 cubic centimeters at backbone-type built.

Wala rin dapat modifications na gagawin sa mga motorsiklo maliman na lamang sa paglalagay ng motorcycle luggage carriers, saddlebags, step boards o foot pegs at speed limiter at monitoring device.

 

Read More

ANGARA SA DOH: MAY SAPAT PA BANG DOKTOR SA BANSA?

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KINALAMPAG ni Senador Sonny Angara ang Department of Health (DOH) sa kanilang imbentaryo ng bilang ng mga doktor, dentista, nars at mga midwife sa bansa.

Sinabi ni Angara na dapat magsumite ang DOH ng listahan ng lahat ng medical staff sa bansa taun-taon upang namomonitor ang bilang ng mga ito.

“Tingin ko meron talaga dapat na running national inventory. Sa kaso ng DepEd at PNP, yung budget submission nila, klaro doon kung ilan ang kulang na mga guro at mga pulis. Sa DOH, sa siyam na taon ko sa House at pitong taon sa Senado, hindi pa ako nakatisod ng ganitong datos na on an annual basis pinapadala. Wala tayong ‘status of health forces’ report,” saad ni Angara.

Binigyang-diin ng senador na nasa P2.45 bilyon ang ipinanunukalang pondo para sa Human Resources for Health (HRH) ng DOH sa susunod na taon.

“Another P7 billion is lodged within the Miscellaneous Personnel Benefit Fund (MPBF) so coupled with the P2.45 billion, there is P9.45 billion for the DOH-paid doctors, nurses, midwives, dentists to be deployed mostly to poor communities and the countryside,” diin ni Angara.

“Ang tanong ngayon ay sapat ba ito? Does this fulfill a major mandate in the Universal Heath Care Law which is to build up and boost our national pool of health professionals?” dagdag pa nito.

Iginiit ni Angara na sa pamamagitan ng P7 bilyong pondo sa MPBF, sapat na ito para makakuha ng 11,614 health professionals.

Kabilang dito ang 744 doctors, na ang 400 ay isasailalim sa Doctors to the Barrios program habang ang 344 na doktor ay para sa medical residency programs ng mga pagamutan.

“Ang dentista kulang talaga. 209 lang ang deployed under the HRH program ngayong 2019. Lumalabas na 1 in 7 towns lang meron,” saad pa ng chairman ng Senate committee on finance.

“Bakit ko na-raise ito? Kasi meron tayong 4,006 new physicians, yung mga kapapasa lang ng board. Di hamak marami sa kanilang gusto magsilbi sa underserved at sa unserved areas,” giit pa ni Angara.

 

Read More

P400M MODERNISASYON NG BUCOR TINATRABAHO NA  

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NANGAKO si Senate Finance Committee Chair Senador Sonny Angara na mahahanapan ng pondo ang kinakailangang P300 hanggang P400 milyon para sa modernisasyon ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ang kailangan lamang anya ay makapagsumite ang Department of Justice (DOJ) ng pag-aaral kung paano gagawin ang computerization at automation ng talaan ng mga preso.

“Yes, sana mapag-aralan na nila para 2020 ma-implement na yun kasi kailangan na talagng i-modernize,” diin ni Angara.

Isa anyang posibleng pagkunan ng pondo ay ang inilalaan dapat na budget sa Barangay at SK elections na malaki na ang posibilidad na mapo-postpone.

Kinumpirma rin ni Angara na sa ngayon ay on target pa sila sa pagpapasa ng 2020 National Budget bagama’t hinihintay pa nila ang ipinasang bersyon ng Kamara.

Kasabay nito, hindi maipangako ni Angara na mapopondohan ang ipinapanakulang pagtatayo ng mga regional jails sa gitna ng mga nadiskubreng iregularidad sa New Bilibid  Prisons (NBP).

Nasa plenaryo na ng Senado ang panukala para sa pagtatayo ng Regional Jails kung saan ililipat ang mga high profile inmates upang mabawasan ang pagsisiksikan sa NBP.

Ipinaliwanag ni Angara na ayaw nilang maulit ang pagkakatengga ng budget para sa pagtatayo ng mga Bahay Pagasa ngayong taong ito makaraan nilang hanapan ng pondo noong isang taon dahil lamang sa hindi pa rin naipapasa ang pag-amyenda sa Juvenile Justice Act.

“Alam mo again theoretically pwedeng ipasok yan kasi yan ang ginawa dun sa Juvenile Justice Law. Kaso dun sa law hindi klaro sino gagawa, so ang ginawa nagpasok tayo ng pondo kaso di naipasa ang batas yung amendment so yung pera andun nakatengga,” paliwanag ni Angara.

“Dahil nauna ang pera yung amendment to the law was not passed, so ayaw din natin mangyari yun kasi pwede natin ilagay ang pondo pero kung di naman maipasa ang batas matutulog ang pera so sayang din,”dagdag pa ng senador.

Ang maaari anya nilang gawin ay maglaan na lamang muna ng inisyal na pondo para sa pagtatayo ng regional jail facilities.

 

Read More

ANGARA SA MGA GOVERNMENT AGENCY: MAG-DIGITAL NA KAYO 

angara12
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HINIMOK ni Senador Sonny Angara ang mga ahensya ng gobyerno na gawin nang digital ang pag-iimbak ng kanilang mga dokumento.

Sinabi ni Angara na marami sa mga ahensya ng pamahalaan ang kinakailangang mag-imbak ng mga dokumento sa mahabang panahon na maituturing na bangungot sa mga ito.

Kadalasan anya sa mga ahensya ay inilalaan na ang malaking bahagi ng kanilang tanggapan para mapaglagyan ng kanilang mga dokumento.

Iginiit ni Angara na ang digitization ang posibleng sagot sa problema ng mga ahensya lalo pa’t patuloy ang pagdami ng mga dokumento.

“Marami sa mga ahensya ng gobyerno ay kailangang magtago ng kanilang mga dokumento. Sa ilang ahensya, tulad ng COA (Commission on Audit) at BIR (Bureau of Internal Revenue), ang kanilang ‘retention period’ ay umaabot ng 10 taon. Talagang mapupuno ang opisina nila ng papeles dahil dito,” saad ni Angara.

Sa hearing para sa proposed P12.9 billion budget ng COA sa 2020, inihayag ni COA Chairman Michael Aguinaldo ang kanilang hirap sa pagtatago ng mga dokumento.

Mandato ng COA na i-audit ang lahat ng ahensya ng gobyerno at kailangan nilang itago ang mga dokumento sa loob ng 10 taon.

“It becomes a storage problem because as government gets bigger, more paper (is accumulated), wala pa masyadong nag a-automate so we’re stuck with that. We also haven’t been able to do digitization yet also because lack of budget,” giit ni Aguinaldo.

“Digitization may cost a lot initially, but in the long run, it will mean more savings for offices. They no longer have to rent storage facilities or construct new structures to keep their documents. Access to these documents would also become easier and you can practically store these for a lifetime,” sagot naman ni Angara.

Bukod sa digitization, sinabi ni Angara na dapat na ring gawin ang automation sa mga ahensya ng gobyerno para maging maayos ang productivity.

Sa automation, iginiit ni Angara na mas magiging mabilis din ang pagtukoy sa katiwalian sa mga transaksyon ng gobyerno tulad sa proseso ng claim sa Philippine Health Insurance Corporation.

Read More