BOC PORT OF CEBU HANDA NGAYONG 2020

BOC-PORT OF CEBU

TINIYAK ng Bureau of Custom (BOC) Port of Cebu na handang-handa sila sa muling pagsabak sa trabaho sa buong taon ng 2020.

Ito ang paniniyak ng mga opisyal at tauhan ng BOC Port of Cebu sa kanilang hepe na si District Collector Atty. Charlito Martin Mendoza sa kanila Monday Flag Raising noong nakaraang linggo.

“Your customs officers and men are more than ready and very much willing to serve you this fiscal year”, ayon pa kay Mendoza.

Noong nakaraang Enero 6, 2020 ay pinangunahan ni Mendoza  ang New Year’s call kung saan buong puso ang inihayag  na suporta sa kanya at sa tanggapan ng mga opisyal at empleyado ng BOC Port of Cebu.

Binigyang diin naman ni Mendoza na kailangan ng kanilang tanggapan ang kooperasyon at pagkakaisa ng lahat ng personnel upang maabot ng BOC Port of Cebu ang kanilang goal sa taong 2020.

Matatandaang noong Enero 10, 2020, bilang bahagi ng kanilang trade facilitation efforts, nakipag-usap si Mendoza sa pangunahing port stakeholders kung saa  kasama niya si Acting Deputy Collector for Assessment Atty. Lemuel Erwin Romero.

Layon ng dayalogo na mas palakasin pa ang ekonomiya ng bansa at ang kita ng BOC.

Kabilang sa mga dumalo ay kinatawan mula sa Therma Visayas, Mabuhay Filcement Corporation, PhilGold, Processing and Refining Corp., Chioson Development Corp., Kepco SPC Power Corp., Apo Cement Corp., Cebu Energy Development Corp., Taiheiyo Cement Corp., Ecossential Foods Corp., at Cagayan Corn Products Corp. (Joel O. Amongo)

Read More

TRAINING VS TERRORISM AT ILLEGAL DRUGS IKINASA NG BOC-PORT OF CEBU

PORT OF CEBU TRAINING

Sa layuning labanan ang problema ng terorismo at ilegal na droga, pina­ngunahan ng Bureau of Customs Port of Cebu ang Strategic Trade and Export Control Training ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC)-World Customs Organization (WCO) Container Control Programme (CCP) nitong nagdaang Setyembre 30 hanggang Oktubre 4.

Bahagi ito ng panimulang implementasyon sa pangakong labanan ang malaking problema ng mundo laban sa ilegal na droga gayundin ang terorismo.

Ang UNODC-WCO Container Control Programme ay patuloy na nagbibigay ng technical assistance at  training sa frontliners upang aksyunan at  labanan ang domestic terrorism at para na rin sa pagpapalakas ng border protection.

Si Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza ang nagbigay ng closing remarks sa huling araw ng  naturang pagsasanay.

“The lessons you, the participants, learned this week, we, as the frontliners of border protection, will need them. Immediately. Not sometime in the future. We needed them yesterday, actually. There would not be any graded tests, but there are measures on how we apply our trainings. And from what I read about what you dealt with, in ‘strategic trade and export control, we just simply must not fail. While the private sector expands port capacity with an infrastructure upgrade, this is how we keep up: by investing heavily and regularly in technical trainings such as this; by cooperating with international Customs organizations to learn from the world’s best,” ayon kay Mendoza.

Dinaluhan ang pagsasanay ng  Customs officers mula sa Sub-port of Mactan, Container Control Unit-Manila, X-Ray Inspection Project (XIP) Port of Batangas of Enforcement and Security Service-Enforcement Group.

May kinatawan din mula sa Department of Trade and Industry Strategic Trade and Management Office sa isinagawang nasabing pagsasanay.  (Joel O. Amongo)

Read More

133rd FOUNDING ANNIVERSARY NG BOC-PORT OF CEBU MATAGUMPAY

BOC-PORT OF CEBU-2

MATAGUMPAY  na ipinag­diriwang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang  kanilang 133rd Founding Anniversary nitong nagdaang Agosto 16  na ginanap sa SM Sky Hall, SM Seaside, South Road Properties, Cebu City.

Naging sentro ng selebrasyon ang temang: “We Take In On! The PRRDDirective, Professionalism, Reforms, Revenue, Diligence”.

Sinimulan ang okasyon ng isang misa sa Port of Cebu na dinaluhan ng mga empleyado nito.

Sa Fellowship Dinner at Recognition Night, ay pina­ngunahan ni  Ms. Fe Lluelyn Toring ng Sub-port of Du­maguete, ang paghahatid ng kanyang ‘welcome remarks’ sa pagpapakilala kay  Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza bilang keynote speaker.

Si Deputy Commissioner Donato B. San Juan ng Internal Administration Group (IAG), ang nagbigay ng mensahe para kay  BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa kanyang keynote speech.

Tinaguriang top importers ang Port of Cebu  ng mga Sub-ports nito na Mactan at Dumaguete para sa taong 2018 na nabigyan ng pagkilala bilang mala­king kontribusyon sa revenue collection.

Samantala ang mga nagretirong employees nito  mula 2018 hanggang Agos­to ng taong kasalukuyan ay binigyan din ng pagkilala sa kanilang mahabang serbisyo.

Binigyan din ng pagkilala ang partners ng Port of Cebu na binubuo  ng iba’t ibang organisasyon dahil  sa kanilang naging suporta kaya naging matagumpay ang lahat ng proyekto ng nasabing pwerto.

Kilala rin ang lahat ng divisions ng Port of Cebu at ang Sub-ports ng Mactan at Dumaguete sa kanilang pagiging hardwork at commendable performance. (Boy Anacta)

Read More