SCAM ALERT 2020 IPINALABAS

BOC-SCAM ALERT

Mga manloloko gumagala sa Aduana

BAGAMAN tapos na Holiday Seasons, muling nagpalabas ng scam alert para sa 2020 ang Bureau of Customs (BOC) Port of Davao dahil sa patuloy na pagkalat ng mga nambibiktima.

Marami pa pa ring gumagala sa Port of Davao na mga manloloko.

Bunga nito, kaagad na pinaalalahanan ng BOC ang kanilang stakeholders at customers na maging alerto at mapagmatyag sa posibleng makakasagupa nilang panloloko tulad ng ‘Customs Love Scam’ lalo pa’t malapit na ang buwan ng Pebrero.

Noong nakaraang Dis­yembre, nagpaalala na rin ang BOC dahil sa umiikot na manloloko sa iba’t ibang distrito sa bansa kung saan ang binibiktima ay bagahe o package na padala ng mga kamag-anak ng mga ito na nasa abroad.

Madalas ay tawag ang ginagawa ng sindikato sa kanilang biktima na sasabihang hindi mailabas sa BOC ang padala para sa kanila ng kamag-anak dahil malaki ang bagahe at malaki ang babayarang duties and taxes para mailabas.

Kapag nakumbinsi ng sindikato ang biktima, sa­sabihin na ipadala sa kanya ang pera na pambayad sa pamamagitan ng money transfer ngunit natapos matanggap ang pera, hindi na makontak ang manloloko.

Kaya’t upang mabawasan kung hindi man matigil ang mga panloloko, nagpalabas ang BOC ng “Scam Alert 2020” na nagbibigay ng babala sa mga mamamayan na may inaasahang padala ang i­lang kamag-anak na nasa abroad.  (Joel Amongo)

Please follow and like us:
Read More

SCAM ALERT NG BOC

SCAM ALERT-2

MULI po kaming nagpapaalala na maging maingat sa pakikipag-chat online.

Marami ang nabibiktima ng LOVE SCAM tuwing nalalapit ang kapaskuhan.

Huwag basta maniniwala sa mga mensahe na natatanggap sa text o e-mail na nagsasabing kayo ay may na-kahold na package at kailangang magbayad thru personal bank account or money remittance.

Kapag nakatanggap ng ganitong impormasyon at upang malaman kung lehitimo ang ipinadalang package, itawag lamang sa BOC Hotline (02) 8705-6000, 09052997977, 09295035138 o mag-email sa boc.cares@customs.gov.ph.

Beware of fake love!

Please follow and like us:
Read More