MAHIGIT ₱186 milyon na halaga ng marijuana plants, seedlings, at fruiting tops ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa serye ng eradication operations mula Enero 16 hanggang 21, 2026.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, pinangunahan ng PDEA RO I ang operasyon katuwang ang iba’t ibang yunit ng PDEA, PNP, at lokal na pulisya.
Isinagawa ang operasyon sa mga liblib at bulubunduking lugar sa hangganan ng Ilocos Sur at Benguet, kabilang ang Mt. Boa at Mt. Leteban.
Ayon kay PDEA RO I Director Atty. Benjamin Gaspi, kabuuang 106,500 sqm na taniman sa 144 plantasyon ang na-neutralize, kabilang ang:
628,295 fully grown plants – ₱125.6M
211,795 seedlings – ₱44.4M
135 kilo fruiting tops – ₱16.3M
Giit ng PDEA, tuluy-tuloy ang kampanya upang pigilan ang pinagmumulan ng ilegal na droga, lalo na sa mga geographically isolated areas na sinasamantala ng mga sindikato.
(JESSE RUIZ)
60
