1.5M DAILY JABS TATARGETIN

NAGHAHANDA na ang National Task Force against COVID-19 para sa tinatarget nitong 1.5 milyong pagbabakuna kada araw.

Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., nakatuon sila sa petsang November 15 para masimulan ang 1.5 million jabs sa kada araw.

Ani Galvez, kakayanin ng gobyerno na sa November 10 ay maabot na ang 1 million inoculation at mula duon ay unti-unti itong iaakyat sa 1.5 makalipas ang limang araw.

Sa kabilang dako, sinabi ni Galvez na nakipag-usap na sila sa League of Cities and Municipalities at mga Provincial government upang matiyak na maaabot ang pinaplanong daily jab target simula November 15. (CHRISTIAN DALE)

152

Related posts

Leave a Comment