1.8M PINOY FULLY VACCINATED NA

PUMALO na sa 1,879,694 indibidwal sa Pilipinas ang maituturing na “fully vaccinated” laban sa COVID-19 “as of June 14.”

Tinukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque ang data mula sa National COVID-19 Vaccine Operations Center, kung saan mahigit 6.9 million doses ang na-administer sa buong bansa.

Kabilang sa mga fully vaccinated individuals ay ang (968,750) health workers; (479,034) senior citizens; (424,889) persons with comorbidities, at (7,021) essential workers.

Samantala, may kabuuang 5,068,855 katao naman ang nakatanggap ng “at least one shot” ng COVID-19 vaccine.

Sa nasabing bilang, 1.4 million ay health workers, 1.7 million ay senior citizens, 1.7 million ay persons with comorbidities, at 152,964 ay essential workers.

Nauna rito, ipinaliwanag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong katao o 70% ng 110-million population ng bansa para makamit ang herd immunity.

Sinabi ng DOH na may 7% lamang na target na eligible population ang nakatanggap ng first dose habang 2% lamang ang fully vaccinated.

“We use these indicators for us to guide or check our progress. We still have a long way to go and we really need to ramp up our vaccination efforts and hopefully our supplies will stabilize,” ayon kay Vergeire.

Tinatayang nasa 11 million COVID-19 vaccine doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayon buwan. (CHRISTIAN DALE)

251

Related posts

Leave a Comment