1 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA NAVOTAS

ISANG COVID-19 patient sa lungsod ng Navotas ang namatay noong Pebrero 6, habang walang bagong nagpositibo at tatlo ang gumaling.

Umabot na sa 5,622 ang tinamaan ng COVID sa Navotas, mula sa bilang na ito ay 5,413 na ang gumaling, 176 ang namatay at 33 ang active cases.

Samantala, patuloy na lumulobo ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City na umakyat na sa 272 matapos na 64 ang magpositibo noong Pebrero 6.

Umabot na sa 9,456 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit.

Sa bilang na ito ay 8,918 na ang gumaling at 266 ang namatay.

Samantala, ayon sa Malabon City Health Department, apat ang nadagdag na confirmed cases sa parehong petsa sa lungsod at 6,362 na ang positive cases sa Malabon, 102 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Catmon (1) at Hulong Duhat (3).

Sa kabilang banda, pitong pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Baritan (6) at Tinajeros (1).

Sa kabuuan ay nasa 6,017 ang recovered patients at 243 ang namatay dahil sa pandemya. (ALAIN AJERO)

151

Related posts

Leave a Comment