1 PATAY, 11 SUGATAN SA AKSIDENTE SA JEEP SA QUEZON

NASAWI ang isang 72-anyos na lola habang sugatan ang 11 iba pa nang sumalpok sa isang puno ng mahogany ang pampasaherong jeep sa Barangay Bacungan, Lopez, Quezon noong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, patungong Buenavista ang jeep nang maputol ang tie rod nito habang nasa kurbadang kalsada, dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at sumalpok sa puno ang sasakyan.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang residente ng Brgy. Poblacion, Buenavista.

Isinugod naman sa Quezon Provincial Hospital Network-Magsaysay ang driver at 10 pang pasahero.

Nangako naman ang pamunuan ng jeepney na magpapaabot ng tulong sa mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

48

Related posts

Leave a Comment