P.3-M SHABU NASAMSAM, 2 TULAK ARESTADO

TINATAYANG halos kalahating milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high at street value individuals ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite nitong Huwebes ng madaling araw.

Hawak na ng Dasmariñas CCPS ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jaime” at “Michael” matapos nahulihan ng humigit kumulang 52.4 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas CCPS sa Barangay Paliparan 2, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Nasamsam mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 52.4 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P356,320.00, buy-bust money digital, weighing scale, black pouch at isang walang lamang sachet na gagamiting lalagyan ng shabu.

(SIGFRED ADSUARA)

50

Related posts

Leave a Comment