1 PERSON PER HOUSEHOLD PAPAYAGANG LUMABAS

SINABI ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na isang tao lamang kada pamilya ang papayagan na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa oras na magsimula na ang two-week ECQ sa Metro Manila.

Ito’y habang hinihintay pa ang guidelines na gagamitin sa paparating na two-week ECQ na magsisimula sa Agosto 6 hanggang 20, 2021.

“Simula ng ECQ, maaaring isa lang ang hahayaang lumabas para makakuha ng pangangailangan sa kanilang mga bahay,” ayon kay Padilla sa Laging Handa public briefing.

“Ang ating hinahangad na limitahan muna ang paggalaw ng ating mga kababayan nang sa ganon ang transmission ng bagong mutation ng COVID-19 ay mapigil,” aniya pa rin.

Bago ito, mula July 31 hanggang Agosto 5, nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” ang Metro Manila.

“No need for panic buying because we have one week to prepare,” sabi pa ng opisyal.

Tiniyak din ni Roque na makatatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga maaapektuhang manggagawa.

Kaugnay nito, sinabi ni Padilla na ang guidelines hinggil sa cash aid, public transportation, at galaw ng mga tao sa panahon ng two-week lockdown period ay ipalalabas bago pa magsimula ang ECQ. (CHRISTIAN DALE)

111

Related posts

Leave a Comment