UMABOT sa 48 katao ang namatay sa Valenzuela City dahil sa COVID-19 noong Oktubre 19, ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Bumaba naman sa 469 ang active COVID cases sa lungsod matapos na 83 ang nagpositibo sa virus at 49 naman ang gumaling.
Pumalo na sa 34,994 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 33,712 na ang gumaling at 813 ang namatay.
Samantala, isang pasyente naman ang namatay sa Malabon City noong Oktubre 19 habang siyam ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 21,032 ang positive cases sa lungsod, 97 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangays Catmon (1), Hulong Duhat (1), Longos (1), Muzon (1), Panghulo (1), San Agustin (1), Tinajeros (2), at Tugatog (1).
Sa kabilang banda, 18 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (1), Baritan (1), Dampalit (1), Hulong Duhat (1), Ibaba (2), Longos (1), Potrero (1), Tañong (3), at Tugatog (7). Sa kabuuan ay 20,299 ang recovered patients ng siyudad habang umakyat sa 636 ang COVID death toll.
Wala namang iniulat na binawian ng buhay dahil sa pandemya sa Navotas City habang 121 ang active cases hanggang 11:59 pm noong Oktubre 18 matapos na dalawa ang nahawaan at 11 naman ang gumaling.
Sumampa na sa 17,512 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at dito ay 16,853 na ang gumaling at 538 ang namatay.
Hindi pa naglalabas ng COVID-19 cases update ang Caloocan City habang isinusulat ito. (ALAIN AJERO)
208 