ANIM na pamilya ang nawalan ng matitirahan at isang lalaki ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa Carmona City, Cavite noong Sabado ng gabi.
Ayon sa ulat, bandang alas-7:28 ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Brgy. Cabilang Baybay, Carmona City, Cavite.
Mabilis ang paglagablab ng apoy at nadamay ang apat na kabahayan.
Ang mga nasunugan ay kasalukuyang nanunuluyan sa isang evacuation area sa Brgy. Cabilang Baybay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung ano ang pinagmulan ng sunog.
(SIGFRED ADSUARA)
69 