10-DAY QUARANTINE SA OFWs ITINUTULAK

MAAARING gawing 10 araw ang mandatory quarantine period mula sa 14 araw kung walang sintomas ng COVID-19 ang OFW.

“So ito po ‘yung proposed changes as we have already mentioned. We can shorten the duration of quarantine from 14 days. If there are no symptoms to the end of 10 days,” ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang health expert mula sa Technical Advisory Group (TAG) sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkoles.

“Basta walang symptoms, we can do it 10 days,” paglilinaw ni Salvana.

Sinusugan naman ito ni Dr. Marissa Alejandria na batay sa datos mula sa CBC, maaaring bawasan ang quarantine period sa 10 araw.

Sinabi ni Salvana, dapat na isagawa ang COVID-19 test sa ikapitong araw sa pag-uwi ng mga “asymptomatic” OFW.

Batay aniya sa datos ng Department of Health (DOH), may mga OFW na negatibo sa test nang umuwi pero nagiging positibo sa virus sa ikapitong araw nila sa quarantine facility.

Tinuran naman ni Alejandria, dapat ma-test ang mga OFW na makikitaan ng sintomas ng sakit sa loob ng 10 raw.

Ang naturang mga rekomendasyon ay pag-aaralan bago opisyal na maglabas ng pasya kung magkakaroon ng bagong patakaran sa quarantine protocols sa mga uuwing OFW.

Samantala, hindi naman handa si Pangulong Duterte na magkompromiso sa usaping ito.

Nais pa rin ng pangulo na magpatuloy ang mahigpit na patakaran sa quarantine at testing protocols sa mga umuuwing OFW para matiyak ang kaligtasan sa COVID-19 ng kanilang mga pamilya at kababayan. (CHRISTIAN DALE)

128

Related posts

Leave a Comment