100K WASHABLE FACE MASKS IPAMIMIGAY SA MGA OBRERO

MAMAMAHAGI si Senador Nancy Binay ng mahigit 100,000 washable face mask sa backliners at informal sector bilang bahagi ng kampanya sa kahalagahan ng basic health protocols.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na kanyang inilunsad ang adbokasiya na “#MaskForAll” and “#BeNiceWearAMask” project upang matiyak na ang publiko, partikular ang backliners, na
magkaroon ng sariling face mask bilang minimum health safety requirement.

“Yung personal na panawagan ko is mask for all. Wearing of face masks is now mandatory, and it is the simplest and most important thing one could do to save one’s life and the lives of others,” ayon kay Binay.

Nagsimula ang campaign ni Binay “#MaskForAll” and “#BeNiceWearAMask” noong Mayo upang himukin ang mamamayan na magsuot ng mask at simulan ang donation drive para sa standard –
grade masks at filtered reusable/washable fabric face masks na ipamamahagi nang libre sa backliner at informal sector workers.

Sinabi ni Binay na kukunin niya ang tulong ng mga opisyal ng local government units kabilang ang pribadong sektor na mamahagi ng face mask sa buong bansa.

“[Mamimigay] tayo ng mga face mask sa jeepney drivers, mga nagtitinda ng balut, buko, at iba pang mga kababayan natin sa informal sector,” ayon kay Binay saka idinagdag na “kaunting tulong lang, para bawas na rin sa gastusin ng mga kababayan natin sa informal sector.”

Hinikayat din ni Binay ang mamamayan na huwag masyadong sumandal sa pagkakaroon ng bakuna sa nalalapit na panahon  alinsunod sa mga pangako ng pamahalaan dahil matagal pang
magkakaroon nito.

“Mismong WHO at maraming medical experts na ang nagsabi, huwag tayong umasa sa bakuna. Ang mas mahalaga sa bahagi ng mamamayan ay ang ibayong pag-iingat sapagkat mahirap mang
tanggapin, in the present and near future, COVID-19 is part of our lives,” giit ni Binay.

Sa ngayon, nakatanggap na ng washable face mask ang Makati, Marikina, Quezon City, Cebu, at Bohol. (ESTONG REYES)

154

Related posts

Leave a Comment