101 DISTRICT CONGRESSMEN LILISAN NA SA KONGRESO 

congress123

(NI BERNARD TAGUINOD)

MALIBAN sa mga natalong party-list congressmen, aabot sa 101 district congressmen ang magpapaalam na sa Kongreso simula sa tanghali ng Hunyo 30.

Ito ang lumabas sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon ukol sa naging resulta ng katatapos na midterm election at kung sino ang hindi na makasasama sa 18th Congress .

Base sa datos, umaabot sa 62 incumbent congressmen ang matatapos ang termino sa Hunyo 30, 2019 kaya hindi na nakatakbo muli ang mga ito para maging myembro ng Kapulungan sa 18th Congress.

Sa ilalim ng Saligang Batas, hanggang tatlong termino na katumbas ng siyam na taon lang ang ibinigay na pagkakataon sa mga pulitiko na pamunuan ang kanilang posisyon maliban lamang kung matalo ang mga ito sa kanilang reelection.

Kabilang sa mga kilalang lider ng Kamara na nakatapos ng tatlong termino ay si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, dating House majority leader Rodolfo Farinas ng Unang Distrito ng Ilocos Norte at dating House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ng Quezon City.

Maliban dito, umaabot naman sa 23 congressmen ang hindi na tinapos ang kanilang termino bagkus ay ipinasa nila sa kanilang asawa, anak o kaya kaanak ang kanilang hawak na distrito tulad ni House Minority Leader Danilo Suarez at Isabela Rep. Rodito Albano  na tumakbo sa pagka-gobernardor sa kanilang probinsya at Cebu Govenor Gwendalyn Garcia.

Kasama din sa hindi tinapos ang kanyang termino si Senator-elect Pia Cayetano na naging kinatawan ng Taguig at pinalitan ng kanyang kapatid na si dating Sen. Allan Peter Cayetano.

Umaabot naman sa 16 ang hindi na rin makababalik sa 18th Congress matapos matalo ang mga ito sa kanilang reelection bid tulad ni Malabon Rep. Ricky Sandoval na tinalo ng kanyang katunggali noong 2016 election na si Congresswoman-election Jade Noel.

 

418

Related posts

Leave a Comment