10K TRABAHO MALILIKHA SA DURIAN IMPORTATION SA CHINA

MAKALILIKHA ng 10,000 trabaho ang durian importation sa China.

Ito ay makaraang aprubahan ng Chinese government ang importasyon ng durian mula sa Pilipinas.

Ayon kay Chinese Ambassador to Manila His Excellency Huang Xilian, nasa 9,996 direct jobs at umabot sa 1,126  indirect jobs ang malilikha matapos aprubahan ng China ang durian importation nitong buwan ng Enero.

Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa China, kabilang sa mga kasunduang nilagdaan nila ni Chinese President Xi Jinping ang “Protocol of Phytosanitary Requirements for Export of Fresh Durians From the Philippines to China between the General Administration of Customs of the People’s Republic of China and the Department of Agriculture of the Republic of the Philippines.”

Naniniwala si Ambassador Huang Xilian na ang nasabing Mutual Recognition Arrangement ay isang hakbang para palawakin ang agricultural cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Umaasa si Chinese Ambassador Huang Xilian na magbebenepisyo dito ang mas maraming Filipino farmers at magpapalakas sa agriculture ties sa pagitan ng China at Pilipinas, na sinang-ayunan din ng mga kasapi ng Durian growers at planters association sa Davao .

Dahil din sa pag-apruba ng China sa pagluluwas ng durian ng bansa ay magkakaroon ng parehong market access ang Pilipinas gaya ng Thailand, Malaysia at Vietnam.

Ang naturang development ay bunga ng pagsisikap ng administrasyon matapos ang state visit ni Pangulong Marcos Jr., sa Beijing noong nakalipas na linggo kung saan ilang kasunduan ang nilagdaan sa maraming industriya kabilang ang nasa sektor ng agrikultura.

Nabatid na nakalusot ang nasabing agricultural product ng bansa sa isinagawang risk assessment sa lugar kabilang ang orchard harvesting, fruit packaging, pest monitoring, chemical control, COVID-19 prevention, and traceability system ng market access investigation team of experts sa rehiyon.
Ang China ay major durian consumer, na nag-iimport ng nasabing prutas ng aabot sa 822,000 na tonelada na nagkakahalaga ng USD4.21 billion noong 2021 at hanggang 82.4% sa nakalipas na taon.

Pahayag pa ng Chinese envoy “I hope these numbers translate to greater benefits for Filipino farmers and China-Philippine agriculture ties!” (JESSE KABEL RUIZ)

190

Related posts

Leave a Comment